Inianunsyo ng Bagong Hukbong Bayan-Masbate (Jose Rapsing Command) ang pagparusa nito kay Jay-R Valle, taksil sa mamamayang Masbatenyo at sa rebolusyonaryong kilusan. Iginawad sa kanya ang parusang kamatayan noong Agosto 30 sa Barangay Baras, Esperanza, alinsunod sa pasya ng kinauukulang mga organo ng demokratikong gubyernong bayan.
‘Ipinagkanulo ni Avalle ang kapwa Masbatenyo sa pagpapagamit sa militar bilang aktibong asset, giya sa operasyon at lantarang pagpapahamak sa masa, laluna sa mga komunidad na kanyang naikutan noong siya’y kasapi pa ng BHB,” pahayag ni Luz del Mar,tagapagsalita ng BHB-Masbate. “(A)ktibong kasapi ng CAFGU si Avalle. Isa siya sa mga nangunguna sa pandarahas at paggambala sa mga magsasaka ng Hacienda Mortuegue-Larrazabal na sumasaklaw sa mga bayan ng Esperanza at Pio V. Corpuz.”
Dating kasapi ng BHB-Masbate si Avalle. Ang paggamit sa kanya ng militar ay pagtatangka para “pagdudahan ng masa ang Hukbo, alisin ang tiwala ng masa sa isa’t isa at kalauna’y ilayo ang masa sa kanilang rebolusyonaryong kilusan,” ayon kay Del Mar. Ang pagparusa sa kanya ay pagbibigay hustisya sa mga biktima ng abuso at terorismong militar.
Binalaan ng BHB-Masbate ang iba pang mga sagadsarng traydor na katulad ni Avalle.
“(M)ay pagkakataon pa kayong lisanin ang pinili niyong landas bago mahuli ang lahat,” ani Del Mar. Dapat anilang mabatid na ang pagpapagamit sa AFP-PNP-CAFGU ay katumbas ng pagpapatiwakal.
“Sa panahong wala nang pakinabang sa kaaway ang mga traydor na ito, tiyak silang pupulutin sa kangkungan,” aniya.