Nabulabog ang nag-ooperasyong tropa ng 79th IB nang paputukan ang mga ito ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) sa Sityo Agtatahor 1, Barangay Macasilao, Calatrava, Negros Occidental noong Oktubre 6. Isinagawa ang operasyon harass nang alas-9 ng umaga.
Ayon sa ulat ng yunit, bahagi ang pinatamaang tropa ng 79th IB ng isang malawakang saklaw na focused military operations sa naturang lugar. Kasabay din nito ang isang Retooled Community Support Program (RCSP) na isang elemento ng operasyong saywar ng militar.
Saklaw ng operasyong kombat ang hindi bababa sa 10 barangay sa bayan ng Calatrava. Ang mga ito ay ang Macasilao, Hilub-ang, Hinab-ongan, Lagaan, Minautok, Cambayobo, Marcelo, Minapasok, Malatas at Pantao.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos, naitala ang Ang Bayan ang hindi bababa sa 45 kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines sa bayan ng Calatrava.