Ang Bayan » Pagdukot at iligal na detensyon sa 3 sibilyan sa Batangas, binatikos


Kinundena ng Karapatan-Southern Tagalog ang labag sa batas na pagdukot at iligal na pagbibimbin sa tatlong sibilyan sa Batangas simula pa Marso 27. Dinukot ng 59th IB sa Medical Center-Western Batangas, Balayan sina Lloyd Descallar at Alfred Manalo, kapwa boluntir ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas, at si Angelito Balistostos.

Sina Descallar at Manalo ay dinampot ng mga ahenteng militar habang naghihintay sa labas ng ospital. Si Balitostos, 65 anyos, ay dinampot din ng mga ahente dahil nakataong nagdaraan siya habang dinudukot ang naunang dalawa.

Sina Descellar at Manalo ay naglulunsad ng konsultasyon sa mga magtatapas at maliliit na plantador ng tubo sa Balayan matapos ang pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Incorporated (CADPI) na makaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Matapos ang ilang araw na paghahanap at paggigiit ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan, napilitan ang 2nd ID na amining nasa kustodiya nila ang tatlo. Ang mga grupo sa karapatang-tao na naghanap sa Balayan 3 ay paulit-ulit na nakaranas ng panggigipit at harasment mula sa mga sundalo.

“Lubos na kinukundena ng Karapatan-ST ang 59th IB sa pagdukot sa Balayan 3. Sa kabila ng serye ng mga kasinungalingan para itago at pagtakpan ang kanilang krimen, napilitan silang aminin na nasa kustodiya nila ang Balayan 3,” pahayag ng Karapatan-ST.

Iginigiit nila na pahintulutan ang pamilya at mga abugado na bisitahin ng tatlo at kilalanin ang kanilang mga karapatan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!