Ang Bayan » Pinaslang ng 24th IB sa Abra, hindi mandirigma ng BHB


Pinasubalian ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang pahayag ng 24th IB na nakapatay ito ng isang myembro ng hukbong bayan noong Oktubre 3 sa isang engkwentro sa hangganan ng Sityo Lamunan, Barangay Gacab, Malibcong at Barangay Ableg, Daguioman sa Abra. Sibilyan, at hindi Pulang mandirigma ang pinatay ng mga sundalo, anito.

“Walang nangyaring ‘engkwentro,’” ayon kay Ka Florencio Baluga, tagapagsalita ng BHB-Abra. Giit niya, ang militar mismo ang nagpakana na may nakuhang bangkay na sinasabi nitong Pulang mandirigma na mula pa sa Mindanao. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa napapangalanan ang naturang biktima.

Pinalabas ng AFP na nakasagupa ng Pulang hukbo ang isang platun ng Bravo Company ng 24th IB na pinamumunuan ni 1LT Bert Francis Carag. Sa gawa-gawa nitong kwento, nagkaroon diumano ng 15 minutong putukan kung saan sinasabing nakakumpiska ang mga sundalo ng isang M14, M4A1, mga magasin at bala, bakpak, kagamitang militar, at bandila ng Partido.

Karaniwan nang taktika ng mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapakana ng mga pekeng engkwentro para pagtakpan ang krimen ng mga ito ng pagpatay sa mga sibilyan. Ganito rin ang naging palusot ng militar sa pagpaslang ng 77th IB sa matandang si Antonio Diwayan Agliwan sa Sityo Talipugo, Barangay Buneg, Lacub noong Oktubre 13.

“Ang mga pagpaslang na ito ay bahagi ng operasyon ng 24th IB, 102nd IB at 77th IB na tuluy-tuloy na umuokupa sa mga bayan ng Lacub, Malibcong, Tineg, Licuan-Baay, Bucay, Sallapadan and Daguioman,” ayon kay Ka Florencio.

Ang mga taktikang ito, na lubhang labag sa internasyunal na makataong batas, ay desperadong mga hakbang para patunayan ang kanilang katapatan sa pagpapatupad ng atas ng kanilang punong kumander na si Marcos Jr, ayon sa BHB-Abra.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!