Ang Bayan » Pondo para sa pag-aayos ng mga klasrum, iginigiit ng mga guro

April 18, 2023


Kinilala ngayong araw ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang anunsyo ng Department of Education (DepEd) na hindi na magiging isang kumpetisyon ang taunang “Best Brigada Eskwela Implementers” na ginaganap tuwing magbubukas ang akademikong taon sa mga eskwelahan. Ayon sa mga guro, natulak ang DepEd na tumugon dito matapos ang maraming reklamo na napipilitan ang mga guro na mag-solicit ng pera para sa pangangailangan ng eskwelahan.

Kaugnay nito, iginiit ng ACT na dapat maglaan at magbigay ng pondo ang pambansang gubyerno para sa pagsasaayos at paghahanda ng mga klasrum para “tunay na hindi na maobliga” ang mga guro na humingi ng donasyon o gumastos mula sa sariling bulsa para sa mga klasrum tuwing bago magsimula ang klase.”

Anila, kinikilala naman nila ang diwang “Bayanihan” na naghihikayat sa mga lokal na gubyerno at komunidad para paunlarin ang mga eskwelahan pero ang tungkulin ng pagbibigay ng edukasyon ay hindi dapat ipinapasa sa kanila. Dagdag pa ng grupo, “nagbabayad na sila ng buwis [sa gubyerno] para sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan…kung hinihingian natin sila ng ambag, magkano ba ang ambag ng pamahalaan para ihanda ang mga silid-aralan bago magpasukan?”

Ipinaliwanag ng ACT na ang kabuuang badyet ng DepEd para sa school maintenance and other operating expenses (MOOE) para sa 2023 ay ₱30.8 bilyon lamang. “Para sa halos 25 milyon na estudyante sa mga pampublikong eskwelahan ngayon, magsusuma lang na ₱1,232 kada estudyante para sa buong taon para tugunan ang maliliit lamang na pagpapaayos ng mga klasrum, kagamitan at suplay, kuryente at tubig, espesyal na pagtitipon at iba pang gastos…hindi na talaga iyan nakakaabot sa antas ng classroom dahil kulang na kulang pa para tustusan ang mga panlahatang gastos ng paaralan,” paliwanag ng ACT.

Sa kalagayang ito umano, ipinapasa ng DepEd ang responsibilidad para sa paghahanda ng mga klasrum sa mga magulang at guro. “Sa harap ng masidhing ekonomikong sitwasyon ng mga pamilya ng mga estudyante, napipilitan ang mga guro na gastusin ang kakarampot na nilang sweldo para maging maayos ang espasyo ng pagkatuto ng mga estudyante,” dagdag pa ng ACT.

Anila, ang hiling nila ay doblehin ang school MOOE para makaabot ang pondo sa antas classroom at hindi ma-obliga ang mga guro na manghingi sa iba o gumastos ng sariling pera.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Davawenyos confused on both people’s initiative and Polong’s statements

by Kath CortezDavao Today DAVAO CITY, Philippines – In the

Paniniwala

Hangal ang sumasamba sa tatag ng namamayani/Sa walang-hanggang pagkakahati ng