Ang Bayan » Rep. Castro, nagsampa ng kaso laban kay Duterte

October 24, 2023


Nagsampa ngayong araw, Oktubre 24, ng kaso ng malalang pambabanta si House Minority Deputy Leader at ACT Teachers Rep. France Castro laban kay dating presidente Rodrigo Duterte sa isang korte sa Quezon City. Kaugnay ito sa pahayag ni Duterte na “gusto niyang patayin” si Castro at mga katulad niya na inere sa Sonshine Media Network International, isang network sa telebisyon na pag-aari ng alipures nitong si Apollo Quiboloy. Isinampa ni Castro ang kaso alinsunod sa Article 282 ng Revised Penal Code.

Suportado ng grupong Karapatan ang pagsasampa ng kaso. Ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng grupo, ipinakikita lamang ng pambabanta ni Duterte laban sa itinuturing nitong mga kaaway na patuloy na umiiral ang climate of impunity o kultura ng kawalang-pakundangan na ginamit ni Duterte para ilusot ang kanyang mga krimen noong presidente pa siya.

Ginawa ang pagsasampa matapos buong sinuportahan ng Mababang Kapulungan si Castro. Sa isang pahayag noong Oktubre 14, ipinahayag ng mga mambabatas na lubos nilang itinatakwil ang pambabanta ni Duterte sa isang myembro ng Kamara. Nag-alok din ang Kamara ng proteksyon kay Castro, kung nanaisin niya. Ang pambabanta ay reaksyon ni Duterte sa paglipat ng Kamara sa confidential at intelligence funds ng kanyang anak na si Sara Duterte sa ibang ahensya.

“Ang insidenteng ito ay malagim na paaalala sa mga panganib na kinakaharap ng mga nangangahas magsalita at lumaban para sa mga karapatan at kagaligan ng mamamayang Pilipino,” pahayag ni Rep. Castro noong nakaraang linggo. “Mahalaga na ipagpatuloy natin ang paggalang sa kalayaan sa pagpapahayag at protektahan ang mga boses ng nakikibaka.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » NPA punishes traitor turned military asset in Masbate

The New People’s Army-Masbate (Jose Rapsing Command) announced its punishment

Is there a ‘fourth mode’ of Cha-cha?

Disregarding the directive of President Ferdinand Marcos Jr. for the