Ang Bayan » Unyon ng manggagawa sa PhilFoods, papasok na sa negosasyon para sa CBA


Naigiit ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. (UPPFBPI-OLALIA-KMU) sa kapitalistang kumpanya na pagkasunduan na ang “bargaining ground rules” na gagamiting gabay sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Kasunod ito ng kilos-protesta ng mga manggagawa at ng unyon sa harap ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A noong Enero 4.

Ayon sa Alyansa ng Manggagawa sa Probinsya ng Laguna, naigiit ng unyon sa NCMB na aksyunan ang sadyang pag-antala sa pag-usad ng negosasyon para sa CBA. Bago nito, apat na pag-uusap na ang naganap sa pagitan ng unyon at maneydsment.

Haharap na ang unyon sa maneydsment para sa negosasyon sa kanilang CBA simula Enero 9.

Noong Setyembre 2023, nanalo ang UPPFBPI-OLALIA-KMU sa eleksyon sa sertipikasyon para katawanin ang mga manggagawa ng pagawaan. Nakakuha ng 295 na boto ang unyon sa kabuuang 341 bumoto sa eleksyon, habang 25 boto ang nakuha ng katunggaling unyon.

Ang PhilFoods Fresh Baked Product Inc ay kapatid na pagawaan ng Gardenia Bakeries na gumagawa ng tinapay para sa Gardenia, isang kumpanyang multinasyunal. Ang pagawaan ng PhilFoods ay matatagupuan sa LIIP Avenue, Barangay Mamplasan, Biñan, Laguna.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!