Ang Pagsahol sa Bagong Pilipinas – IBON Foundation



Humaharap ngayon sa ibayong kahirapan ang mamamayan matapos ang pangalawang taon ng
gobyernong Marcos Jr, habang todong pinagtatakpan nito ang sumasahol na krisis at haling na nangangayupapa sa imperyalismong US.

Walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, pero kusing na umento ang tugon ng gobyernong panay ang pasikat sa mga dayuhan at namumuhunan. Walang matinong trabahong nahahanap ang mga nais magkahanapbuhay, pero tuloy lang ang pambobola ni Marcos Jr na namumukod-tangi raw ang ekonomiya ng Pilipinas sa rehiyon.

Dalawang taon ng pagrampa sa abroad. Dalawang taon din ng pagpapatupad ng mga batas na pumapabor sa mga kroning oligarko at dayuhan, at sa sariling pamilya. Dalawang taon na kaladkarin sa lahat ng hiling at kagustuhan ng US. Dalawang taon ng bulok na politika at kawalan ng demokrasya. Habang pinakakanta at pinabibigkas sa atin ang “Bagong Pilipinas” sa araw-araw, na para bang isang kasinungalingan na kapag inulit-ulit, sa kalaunan, ay magiging totoo.




Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!