Ano pang ginagawa mo sa DA? – updates from the peasant movement of the Philippines

Muling tinanong ng mga magsasaka si Pangulong Bongbong Marcos Jr na kalihim din ng Department of Agriculture (DA) kung bakit nananatili pa siya sa DA samantalang hindi naman niya ginagampanan ang trabaho niya bilang kalihim ng ahensya. “Nagtataka kami kung bakit ayaw pang bitawan ni Marcos Jr ang DA gayong napatunayan na ang kanyang mahinang pamumuno sa DA. Sa halip na mapalakas ang agrikultura, nasa mas masahol na sitwasyon ngayon ang sektor at lalo na ang mga magsasaka at mangingisda,” ayon kay KMP Chairperson Emeritus Rafael Mariano. “Hindi kailangan ng taumbayan ng isang absentee DA secretary na hindi naman nakakatulong sa mga magsasaka at konsyumer.”

Naibunyag ni Agriculture Senior Undersecretary Ding Panganiban sa budget hearing ng DA sa Kongreso na hindi nakakadalo si Pangulong Marcos Jr sa mga meeting at pag-uusap ng mga opisyal ng DA sa nakalipas na anim na buwan. Sinabi naman ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian na wala talagang nabuong plano ang DA para abutin ang P20 kada kilo ng bigas at ni hindi nila ito napag-usapan kasama ang Pangulo. Si Marcos Jr ang nangako na ibaba niya ang presyo ng bigas sa P20 bawat kilo.

Ilan lamang sa mga patunay ng palpak na pamumuno ni Marcos Jr sa DA at sektor ng agrikultura ang mga sumusunod:

  • 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐢𝐧𝐟𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐚 𝟗% 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟐 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟑.
  • 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐧𝐨𝐧-𝐚𝐥𝐜𝐨𝐡𝐨𝐥𝐢𝐜 𝐛𝐞𝐯𝐞𝐫𝐚𝐠𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐨 𝐢𝐧𝐟𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐫𝐚𝐭𝐞.
  • 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐠𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐏𝟓𝟎 𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐤𝐢𝐥𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧.
  • 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟐: 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐞𝐠𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝟐.𝟓%, 𝐌𝐚𝐢𝐬 𝐧𝐞𝐠𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝟕%, 𝐒𝐮𝐠𝐚𝐫𝐜𝐚𝐧𝐞 𝐧𝐞𝐠𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝟏𝟕%, 𝐚𝐭 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐞𝐠𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝟑.𝟒%.
  • 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐢𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐠𝐨 𝐨 𝐠𝐫𝐨𝐰𝐭𝐡 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞, 𝐟𝐨𝐫𝐞𝐬𝐭𝐫𝐲, 𝐚𝐭 𝐟𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝟎.𝟓% 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟐.
  • 𝟖𝟔𝟑,𝟎𝟎𝟎 𝐧𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟑.
  • 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐭𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐝𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐔𝐒$𝟏𝟏.𝟕𝟗 𝐛𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟐, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝟐𝟖 𝐭𝐚𝐨𝐧.

Nanawagan muli ang KMP na magbitiw na lang bilang DA Secretary si Marcos Jr at maglagay ng isang full-time Secretary na tututok sa agrikultura at tutugon sa hinaing ng mga magsasaka. ##

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss