Bagong agrarian reform program at libreng pamamahagi ng lupa dapat isabatas na – updates from the peasant movement of the Philippines

Kasunod ng RA 11953 o New Agrarian Emancipation Act

Sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na nararapat lamang ang kondonasyon o pagpapatawad sa mga hind mabayarang amortisasyon sa lupa ng mga Agrarian Reform Beneficiaries ng programa sa lupa ng gobyerno.

Pipirmahan ngayong araw ni DA Secretary at Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang ang New Agrarian Emancipation Act na magko-condone sa amortisasyon sa lupa na binabayaran ng mahigit 600,000 ARBs ng Comprehensive Agrarian Reform Program o RA 6657. Nagkakahalaga ng P57.7 billion ang halaga ng mga utang sa amortisasyon, multa at interes na hindi na sisingilin ng gobyerno sa mga magsasakang benepisaryo ng lupa.

Ayon sa KMP, ang kondonasyon o pagpapatawad sa mga hindi nabayarang amortisasyon at utang ng mga ARBs ay matagal nang panawagan at panukala ng mga magsasaka. Napatunayan na hindi kayang mabayaran ng mga ARBs ang kabuuang halaga ng lupa at 6% annual interest sa mga lupang ini-award sa kanila.

Ayon sa datos ng gobyerno, nasa kalahati lang kabuuang ARBs ang nakakabayad ng amortisasyon sa lupa at napapatungan pa ito ng mga interes at multa. Taun-taon na pinapasan ng mga ARBs ang bayarin sa amortisasyon habang hinaharap ang papataas na gastos sa pagsasaka, mataas na presyo ng fertilizer at gastos sa pamumuhay o cost of living. Kapag nasalanta pa ng mga bagyo at kalamidad, lugi at may dagdag na pagkakautang pa ang mga magbubukid. Subalit sa katunayan, nasa 17% ng lahat ng mga ARBs ang nakakabayad sa Landbank.

Mula 2016 hanggang 2021, may 24,024 ARBs na na-install ang DAR at may tinatarget pa na 206,099 ARBs para sa pamamahagi ng mga lupain ng gobyerno. Sa inilabas na Executive Order No. 4 ni Marcos Jr noong nakaraang taon, nagtakda ng isang taong moratoryum sa pagbabayad ng amortisasyon mula Setyembre 2022 hanggang Setyembre 2023.

Bukod sa kondonasyon, nanawagan din ang KMP na dapat nang magkaroon ng bagong programa sa reporma sa lupa na kapalit ng CARP. Ayon pa sa grupo, dapat ikonsidera ni Marcos Jr ang pagsasabatas ng libreng pamamahagi ng lupa o ang House Bill 1161 Genuine Agrarian Reform Bill na nakabinbin pa sa Kongreso.

Taong 2014 pa nag-expire ang Land Acquisition and Distribution component ng CARP at wala nang mga bagong lupaing sinasaklaw ng programa sa lupa ng gobyerno. #

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: Impostor DSWD pages spread FAKE list of ‘new 4Ps beneficiaries’

Facebook (FB) pages and groups circulated a list of new

Land Use Bill to worsen hunger, activists say

Activist groups are protesting a priority bill in Congress proposing