Balik-Tanaw | Sa may pintuan ng libingang walang laman


https://www.kcmifm.com/blog/2022/3/31/historical-evidence-for-the-resurrection-the-empty-tomb

By BRO. LUKE B. GEALOGO  Redemptorist Postulant

Acts 10:34a, 37-43
Ps118:1-2, 16-17, 22-23
Col 3:1-4
Jn 20:1-9

Sa May Pintuan ng Libingang Walang Laman

Solemnity of the Lord’s Resurrection (Easter Sunday)

“Kaya’t si Pedro at ang [isang] alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok” (Juan 20: 3-5).

Marahil, hindi ko na kailangang pumasok pa

upang usisain at kilatisin ang nangyaring hiwaga.

Napagulong na ang bato. Nakatupi ang mga kayong lino

at wala na ang bangkay ng Mesiyas at Guro.

Hindi ko na kailangang magduda pa

dahil batid kong Siya nga ang Muling Pagkabuhay at Paglaya.

Nalagot na ang tanikala. Winagayway na ang bandila

at ang Langit sa Daigdig ay abot-kamay na:

Lupa sa magsasaka,

Sahod sa manggagawa,

Trabaho sa maralita,

Edukasyon para sa madla

at Karapatan sa walang-wala.

Ngunit hangga’t Kuwaresma pa rin sa aking Bayan

at Kalbaryo pa rin ang abang kalagayan,

muli’t muling kakaripas papalabas ng kuweba,

at mangangahas na ibigkas ang Magandang Balita:

Makakakita rin ang mga binubulag

sa huwad na katotohanan at baluktot na kasaysayan;

makakalaya rin ang mga binilanggo

sa likod ng rehas, sa ilalim ng batas

at sa talim ng dahas;

mabubuhay din na mag-uli silang mga kinitil

ng dayong Imperyo, ng panginoong maylupa, at nilang iilang mapaniil.

At sasapit din ang panahong katangi-tangi,

ang Hubileyo para sa mga inaapi,

ang Paskuwa para sa mga nasawi,

at ang ganap na pagsasanib ng Bagong Lupa at Langit!

Hanggang makamit ang Tagumpay ni Kristo at ng Kaharian.

Hanggang wala na ring laman ang libingan ng aking Bayan.

Mangyari nawa. Maghari nawa. Amen.

Aleluya! Aleluya! (https://www.bulatlat.org)

Balik-Tanaw is a group blog of Promotion of Church People’s Response. The Lectionary Gospel reflection is an invitation for meditation, contemplation, and action. As we nurture our faith by committing ourselves to journey with the people, we also wish to nourish the perspective coming from the point of view of hope and struggle of the people. It is our constant longing that even as crisis intensifies, the faithful will continue to strengthen their commitment to love God and our neighbor by being one with the people in their dreams and aspirations. The Title of the Lectionary Reflection would be Balik –Tanaw , isang PAGNINILAY . It is about looking back (balik) or revisiting the narratives and stories from the Biblical text and seeing, reading, and reflecting on these with the current context (tanaw).



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!