Baryang dagdag-sahod sa 3 rehiyon, kulang pa sa pamasahe–KMU – Pinoy Weekly


Kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang “napakalaking insultong” dagdag-sahod na P14 sa Soccsksargen, P25 hanggang P41 sa Central Luzon at P30 sa Cagayan Valley na inanunsiyo ng Department of Labor and Employment nitong Okt. 2.

Ayon sa KMU, hindi sapat kahit sa pamasahe ng isang manggagawa ang bagong dagdag-sahod.

“Kahit pa dinagdag ang bagong wage increase, nananatiling halos kalahati lang ang minimum wage ng family living wage sa mga rehiyong ito,” sabi ng sentrong unyon sa isang pahayag.

Ayon sa pinakabagong datos ng Ibon Foundation, ang family living wage kada araw ng P1,193 sa Soccsksargen, P1,172 sa Central Luzon at P1,108 sa Cagayan Valley.

Dagdag pa ng KMU, dapat nang buwagin ang mga regional wage board na siyang may pakana ng barya-baryang pagtaas ng sahod sa mga rehiyon sa bansa at dapat muling isabatas ang pambansang minimum wage na P1,200 na tutugon sa pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!