Big-time OPH nagbabadya, Marcos Jr. walang pakialam at tuloy ang panonood ng Formula One – updates from the peasant movement of the Philippines

𝐾𝑒𝑛𝑔 β„Žπ‘–π‘›π‘‘π‘– π‘˜π‘Ž π‘π‘Ž π‘”π‘Žπ‘™π‘–π‘‘, π‘π‘Žπ‘˜π‘–π‘‘?

Muling binatikos ng mga magsasaka at konsyumer ang walang pakundangang pagkamanhid ni Bongbong Marcos Jr. sa nagaganap na krisis sa bansa at sa kahirapang dinaranas ng mga Pilipino. Habang nagbabadya ang big-time oil price increase sa susunod na linggo, nanindigan si Marcos Jr na hindi muna siya uuwi kahit tapos na ang dinaluhang 10th Asia Summit at manonood pa ng Formula One sa Singapore bukas ng gabi.

β€œWalang pakialam at pabaya ang Pangulo na ginagawa lang lahat ng kapritso at luho niya at walang konsiderasyon sa ating naghihirap na mga kababayan,” ayon kay Ronnie Manalo, secretary general ng KMP. β€œNararapat kay Marcos Jr ang lahat ng pagbatikos at protesta ng masa.”

Sa ika-11 linggo, tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo β€” nasa P2.30-P2.60 kada litro ang diesel, P1.70-P2.00 kada litro ang gasolina at P2.00-P2.30 per litro ang kerosene. Mag-eepekto ito ng muling pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Posibleng tumaas na rin ang pamasahe kung magtutuloy-tuloy pa ang lingguhang OPH. β€œWalang kibo at ni walang aksyon ang Department of Energy at Malakanyang sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Bale wala din ang kakarampot na fuel subsidy kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo at nariyan pa rin ang deregulasyon sa industriya langis,” ayon pa kay Manalo.

Sinabi ng KMP na lumalakas ang panawagan ng mga sektor at mamamayan na ibasura na ang Oil Deregulation Law na puno’t-dulo ng walang tigil na mga taas-presyo ng petrolyo. β€œHindi totoong wala tayong magagawa sa oil price hike. Pwedeng-pwedeng alisin ang excise tax sa langis para maibaba ang pump prices. Pwede din magkaroon ng oil price buffer fund para maibsan ang impact ng OPH sa mamamayan. Pero magiging epektibo lang ito sa isang regulated na downstream oil industry.

Sa unang hati ng 2023, nagtala ang Petron Corp. ng P6.1B consolidated net income samantalang P123 million ang naging kita ng Shell Pilipinas Corp. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Gabon: Central African Bloc Convenes an Extraordinary Session | News

The Economic Community of Central African States (ECCAS) called on

Ang Bayan Β» Kaso kontra Ressa, ibinasura; estudyanteng mamamahayag sa Bicol, ginigipit

Ibinasura ng korte ang panlima at huling kaso ng tax