Biguin ang pasismo at terorismo ng rehimeng Marcos Jr! โ€“ updates from the peasant movement of the Philippines

Setyembre 21, 2023

Sa ika-51 taon pagpanawagan ng hustisya sa mga biktima ng Batas Militar ng diktaduryang Marcos, nagkakaisa at determinado ang masang magsasaka na labanan at biguin ang pasismo at terorismo ng rehimeng US-Marcos Jr. Kahit na anong pagtatangka na burahin ang rekord ni Marcos Sr sa pagiging diktador, hindi huhupa ang panawagan ng katarungan para sa mga biktima ng Martial Law. Hindi hihinto ang paglaban ng mamamayan sa pahirap, pabaya at pasistang rehimeng Marcos Jr.

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐š๐ฐ ๐ง๐จ๐จ๐ง, ๐“๐ž๐ซ๐ซ๐จ๐ซ ๐‹๐š๐ฐ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง!
Umiiral ang de facto Martial Law sa buong bansa. Patuloy na ginagamit ang Terror Law upang supilin at atakehin ang hanay ng mamamayang nakikipaglaban para sa mga demokratikong karapatan at tumutuligsa at naglalantad sa kabulukan ng sistemang panlipunan.

Lahatang panig ang mga atake sa mga progresibong organisasyon at mga aktibista โ€” mula sa paniniktik, redtagging, pagbabansag na terorista, pagsasampa ng mga kaso ng paglabag sa ATA, hanggang sa pag-freeze ng mga bank account at pagsupil sa malayang pamamahayag, at iba pa.

Ang ginawa sa dalawang environmental defenders na sina Jhed Tamano at Jonila Castro ay dagdag patunay kung gaano kahayop ang pasistang rehimeng Marcos Jr. Dinukot, tinortyur, ikinulong ng 17 araw at sapilitang pinasuko sina Jhed at Jonila. Ngayon, pinagbabantaan pa silang kakasuhan matapos nilang ilantad ang ginawa sa kanila ng militar at NTF-ELCAC.

Sunud-sunod din ang insidente ng surveillance sa mga lider at kasapi ng mga organisasyong magsasaka. Kabilang sa mga hinaharas ang lider ng KMP na si Danilo Ramos, lider-organisador ng AMIHAN Bicol na si Maggie Seva, si Cita Managuelod ng DANGGAYAN, si Jaysi Balugna na tagapagsalita ng SUGAR-Batangas, si Alvin Dimarucut ng MAKISAMA-Tinang sa Tarlac, si Nenita Apricio at mga kasapi ng AMBI-AMIHAN sa Isabela, at marami pang iba.

Maging ang mga magsasakang nagtatanggol ng karapatan sa lupa at kabuhayan ay patuloy na sinusupil. Gaya ng mga magsasaka sa ibaโ€™t-ibang barangay sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, ang mga magsasaka at residente ng Sitio Nagpatong sa Antipolo City, ang mga magsasaka ng Buffalo-Limus-Tamaraw sa Maramag, Bukidnon at marami pa.

๐Œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐š๐ง, ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ฌ๐ข๐ง!
Sa kanayunan kung saan nagaganap ang pinakamasasahol na paglabag sa karapatang tao, laganap at matinding militarisasyon ang bumibiktima sa mga magsasaka at pambansang minorya.

Berdugo ang Armed Forces of the Philippines na maysala sa mga pamamaslang, pagtortyur at pananakot ang mga magsasaka at mamamayan sa mga baryo at sitio. Militarisado ang libo-libong barangay sa bansa at nakadeploy sa mga rehiyon at probinsya ang bata-batalyong sundalo ng Philippine Army na araw-gabing naghahasik ng takot at lagim sa masa.

Naganap ang malagim na pagmasaker sa pamilyang Fausto sa Negros. Minasaker din ang 3 kababaihang magsasaka sa Masbate at saka pinalabas na napaslang sila sa engkwentro. Karumal-dumal ang ginawa sa magsasaka ng abaca na si Alvin Ponto sa Sarangani โ€” pinagbabaril hanggang mamatay at saka ginilitan pa ang leeg para siguraduhing wala nang buhay.

Nitong Setyembre 15, dinukot ang organisador ng mga magsasaka na si Bea Lopez sa Sipalay, Negros Oriental samantalang pinaslang ang kasama niyang tricycle driver na si Peter Agravante.

Laganap din na ginagamit sa mga operasyong militar ng AFP ang mga ground at aerial na pambobomba. Nito lamang Setyembre 15, pinaulanan ng militar ng Howitzer ang ilang sitio ng Barangay Cabatangan at Barangay Agsirab sa Lambunao, Iloilo. Dahil sa takot, hindi makapunta sa kanilang sakahan ang mga katutubong Tumanduk at nasuspinde rin ng mga klase sa eskwelahan.
Nagdudulot ng malaking panganib sa buhay at kabuhayan ng magsasaka at katutubo at maging sa kalikasan ang mga tumitinding operasyong militar at pambobomba.

Napakahaba na ng listahan ng paglabag sa karapatang pantao at mga internasyunal na makataong batas ng rehimeng Marcos Jr. Dapat tayong patuloy na manindigan laban sa pananakot, panunupil at pandarahas sa hanay ng mamamayan.

Binigo ng sambayanan ang diktador na rehimeng Marcos Sr noon, bibiguin natin ang pasistang rehimeng Marcos Jr ngayon. Makibaka, huwag matakot!

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Doxxing sa 2 mamamahayag sa CDO, ikinabahala โ€“ Pinoy Weekly

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga grupo ng mamamahayag sa Cagayan

DOTr doesnโ€™t want to admit that jeepney fare hikes are coming โ€“ IBON Foundation

The Department of Transportationโ€™s (DOTr) response to public fears of