CPA, humingi ng proteksiyon sa Korte Suprema – Pinoy Weekly

June 22, 2023


“Human rights defenders already face grave risks and need the protection from the honorable court,” wika ni CPA chairperson Windel Bolinget. Larawan mula sa Cordillera Peoples Alliance.

Naghain ang mga aktibista ng Cordillera ng petisyon para sa writ of amparo sa Korte Suprema matapos ibinasura ng Court of Appeals ang hiling na bigyang proteksiyon ang kanilang buhay at pamilya laban sa banta ng mga ahensiya ng gobyerno, lalo na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Sama-samang nagtungo sa Korte Suprema sa Maynila nitong Hunyo 19 ang mga kasapi ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) kabilang ang ilang biktima ng red-tagging at harassment na sina CPA chairperson Windel Bolinget at regional council member Stephen Tauli.

Ang CPA ay isang panrehiyong organisasyon ng mga mamamayan sa Cordillera na naitatag noong 1984 at nagsusulong ng mga karapatan ng mga katutubo sa rehiyon.

Kasama nilang naghain ng petisyon ang mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Sandugo Alliance at Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda).

“Human rights defenders already face grave risks and need the protection from the honorable court,” wika ni Bolinget.

Matatandaang ibinasura ng Court of Appeals noong Oktubre 2022 ang hiling ng CPA na proteksiyon mula sa banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng kanilang mga lider at kasapi dahil sa kawalan umano ng matibay na ebidensya.

Ilan sa mga ahensya ng gobyerno na pinangalanan bilang mga respondent sa petisyon ang NTF-Elcac, Philippine National Police, Regional Law Enforcement Coordinating Committee in the Cordillera Administrative Region, Philippine National Police Regional Office, National Intelligence Coordinating Agency, Philippine Army at Department of the Interior at Local Government-Cordillera Administrative Region.

“We are pursuing this not just for ourselves, but for communities who suffer human rights violations with impunity,” ani Bolinget.

Bukod sa nasabing petisyon, hinikayat din ng mga petisyoner na mag-isyu ang hukuman ng temporary restraining order laban sa mga ahensya upang itigil ang pangre-red-tag sa kanila bilang mga communist terrorist, rekruter ng New People’s Army at front organization ng Communist Party of the Philippines.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Farmers back salt industry development bill, ask similar support for other rural industries

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) said it supports the

PRWC » Balik-EDSA para labanan ang chacha

Ang artikulong ito ay may salin sa Bisaya Ginunita sa