De Lima, absuwelto sa lahat ng kaso – Pinoy Weekly

June 29, 2024


Ganap nang malaya ang dating senador na si Leila de Lima matapos ipawalang-sala ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 ang ikatlo at huling kaso ng drug trafficking na isinampa ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

“Mas mapapanatag at makakatulog na ako nang mas maluwag. With the grant of our demurrer to evidence, which is tantamount to acquittal, that means I am now completely free and vindicated. It’s very liberating,” sabi ni de Lima.

Nagpahayag naman ng suporta si Gabriela deputy secretary general Cora Agovida sa naging desisyon ng korte

“Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng korte na absuweltuhin si dating Justice Secretary at Sen. Leila de Lima sa lahat ng kasong may kaunay sa droga na isinampa laban sa kanya ng administrasyong Duterte,” ani Agovida.

Hinikayat din ni Agovida na suportahan ni de Lima ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong politikal.

“Hinihikayat namin si Ms. de Lima na suportahan ang laban sa pag-uusig at pagpapakulong sa mga nagpapahayag laban sa in hustisya sa lipunan, gayundin ang laban sa agarang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong politikal,” sabi ni Agovida.

Ayon kay Agovida, mayroon pang 768 na bilanggong politikal sa bansa—148 dito ay kababaihan kabilang sina Corazon Javier, Amanda Echanis, Alexa Pacalda, Felicidad Caparal, Maritess Consenas, Sally Ujano at Grace Versoza.

Absuwelto rin sina Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Palisoc Dayan, Joenel Tan Sanchez at Jose Adrian Tiamson Dera na nakasuhan kasama ni de Lima.

Prayoridad naman ni de Lima ang pagtulong sa iba pang biktima ng giyera konta droga at ang patuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga kasong pagpatay ni Duterte.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Woman political prisoner freed – Bulatlat

“It took four years for Ge-ann to be acquitted of

VERA FILES FACT CHECK: Ulat ni Marcos sa pagbaba ng presyo ng pagkain sa SONA nakaliligaw

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address noong Lunes,