“Paulit-ulit lang ang argumento ng kampo ni Duterte. Noong hindi pumayag ang mga hukom na kusang mag-inhibit, ngayon gusto naman nilang i-disqualify ang mga ito. Malinaw na wala na silang maisip na paraan para ipagtanggol si Duterte kaya ang mga hukom na ang inaatake nila. Ang katotohanan, natatakot sila na maharap sa hustisya si Duterte. Itong panibagong taktika ay pagpapatunay lamang na wala silang matibay na depensa sa mga akusasyon ng pagpatay at krimen laban sa sangkatauhan.” – BAYAN MUNA chairperson Atty. Neri Colmenares

