DOH, nakapagtala ng 23 kaso ng firework-related injuries – Pinoy Weekly

December 28, 2023


Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 23 bagong kaso ng firework-related injuries (FWRI) anim na araw bago mag-bagong taon.

Umakyat na sa 75 ang kabuuan ng kaso ng FWRIs ngayong taon, anim sa bawat sampung kaso ang nanggaling sa National Capital Region. Ang 23 na bagong kaso ay mula sa biktima 6 to 55 anyos.

“The new cases include two new amputations, both involving the illegal Pla-pla lit by male teenagers who lost their fingers,” ayon sa DOH. 

Umakyat na sa anim na biktima ng FWRIs ang kinailangang i-amputate, ayon sa tanggapan.

Samantala, siyam naman o 12% sa Central Luzon at anim sa Ilocos Region o 8%.

Ayon sa DOH, 96% ay nangyari sa bahay at sa kalsada, karamihan sa mga biktima ay lalaki.

Illegal fireworks naman ang responsable sa bawat anim sa sampung kaso.

Sa 75 na kaso, boga ang responsable sa 16 na FWRIs, five star naman ang sumunod na may 14 kaso, kuwutis na siyam, piccolo na anim, pla-pla na lima, lusis na tatlo at whistle bomb na tatlo.

Patuloy naman ang paalala ng DOH na umiwas sa mga ilegal na paputok.

“Fireworks are not toys. They may be nice to see, but are deadly to hold. Parents should give the gift of complete hands and fingers to their children. Fathers and older brothers should set an example for the young men in their family,” saad ng DOH.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Climate activists in global confab stand with Palestine

By ANNE MARXZE D. UMILBulatlat.com DUBAI — Despite the restrictions here

Q & A: San Carlos Bishop emulates Christ amid red-tagging

Bishop Gerardo Alminaza By RITCHE T. SALGADO, O.CarmBulatlat.com MANILA –