DOH walang libreng medical insurance sa seniors


May ad na ipinakakalat sa Facebook ang nagsasabing namimigay raw ang Department of Health ng libreng medical insurance sa mga senior citizen. Peke ito at hindi konektado sa DOH.

Ini-upload noon pang April 13, ang post ay may thumbnail na may logo ng Republika ng Pilipinas at DOH at may nakasulat na:

“From April 1, 2024, The Philippine government will [make] Available to seniors aged 55 and over Free medical insurance.” (Mula April 1, 2024, ang gobyerno ng Pilipinas ay mamimigay ng libreng medical insurance sa mga may edad 55 at pataas.)

Ang post ay may caption ding:

“Can the Philippine government provide free health insurance? Click and select the menu.” (Kaya ba ng gobyerno ng Pilipinas ang magbigay ng libreng health insurance? Pindutin ang menu.)

Ang link ay sa website na may iba’t ibang mga package para sa iba’t ibang mga edad. Ang PRIVATEHEALTHCARE884.FUN ay may mga link sa iba’t ibang totoong private insurance companies.

VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Ang ad na nagaalok sa mga senior citizen ng libreng medical insurance mula sa Department of Health ay 'di galing sa anumang ahensiya ng gobyerno. Ang website ay may mga affiliate link na nagdadala sa netizens sa mga pribadong insurance company.VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Ang ad na nagaalok sa mga senior citizen ng libreng medical insurance mula sa Department of Health ay 'di galing sa anumang ahensiya ng gobyerno. Ang website ay may mga affiliate link na nagdadala sa netizens sa mga pribadong insurance company.

Peke ang iba’t ibang mga package. Noong April 18, pinasinungalingan ang iba pang post na may parehong pekeng pamimigay ng libreng medical insurance:

“The DOH cautions the public against posts of this nature using the agency’s name. The said page is FAKE as well as any affiliate links and/or posts.” (Pinag-iingat ang publiko laban sa mga post na gumagamit sa pangalan ng DOH. Peke ang mga ganitong page, link at/o post.)

Pinaalalahanan din ang publiko na kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaan lang na mga source, gaya ng official website at mga social media page ng DOH at PhilHealth.

Ang mga senior citizen ay puwedeng maging miyembro ng PhilHealth sa pamamagitan ng Office for the Senior Citizens Affairs o Local Health Insurance Offices.

Ang mga pekeng ad ay gumagamit ng mga link ng mga website ng mga pribadong kompanya, kung saan puwedeng magkakomisyon ang nag-post mula sa kada click. Marami pang ibang mga Facebook page ang nagpo-post ng kagayang pekeng mga ad.

Pinasinungalingan na rin ng VERA Files Fact Check ang iba pang mga post na gumamit sa pangalan ng DOH at mga opisyal nito para kumita.

Ang pekeng ad ay kumalat higit isang linggo pagtapos sabihin ni Albay Representative Joey Salceda na pinag-aaralan niya ang hiwalay na health insurance fund sa ilalim ng PhilHealth para punan ang kulang na pondo para sa kalusugan ng mga senior citizen.

Ang post ng Facebook page na Nearby drug store (ginawa noong Jan. 24) ay may higit 1,400 reactions, 500 comments at 310 shares. Marami ring mga netizen ang nag-share ng website.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: VERA Files has partnered with Facebook to fight the spread of disinformation. Find out more about this partnership and our methodology.)





Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!