Organizations

Doringo, Floranda, iba pa, kinasuhan dahil sa tigil-pasada – Pinoy Weekly

Doringo, Floranda, iba pa, kinasuhan dahil sa tigil-pasada – Pinoy Weekly


Sinampahan ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act ang mga senatorial candidate ng Makabayan Coalition na sina Mimi Doringo at Mody Floranda, kasama ang iba pang transport leaders.

Kabilang sina at Ruben Baylon ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Mar Valbuena at Regie Manlapig ng Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon  (Manibela) sa mga kinasuha kaugnay ng inilunsad na tigil-pasada at protesta noong Ago. 14 sa Mendiola, Maynila.

Matatandaan nagsagawa ng tatlong araw tigil-pasada ang mga pangkat ng tsuper at opereytor na pinangunahan ng Piston at Manibela matapos ibasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resolusyon suspensiyon ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Nitong Okt. 16 lang natanggap ang subpeona sa kanilang kaso at nakatakda na ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa korte sa Nob. 14.

“Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lider-transport at lider-maralita ay pagpapakita ng tunay na kawalan ng sinseridad ng rehimeng Marcos Jr. na tugunan ang lehitimong panawagan ng mamamayan. Imbis na pagpapabasura ng bogus na negosyong modernisasyon, pagpapatahimik at pananakot ang sagot ng rehimen,” pahayag ng Piston.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning