DOT Secretary Christina Frasco magbitiw na lang – updates from the peasant movement of the Philippines

Sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mas makabubuting magbigay na lang ng kanyang courtesy resignation si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa halip na mag family leave lamang.

Nalagay sa sentro ng atensyon si Frasco sa ‘fiasco’ ng Love the Philippines campaign ng Department of Tourism (DOT). “Bakit parang tatakas papunta sa ibang bansa si Secretary Frasco matapos ang kahihiyang nangyari sa rebranding campaign ng DOT? Bakit parang “graceful exit” ito matapos ang kontrobersya?” tanong ng KMP.

Matatandaang nai-appoint si Frasco sa kanyang posisyon sa DOT dahil sa kanyang koneksyon kay VP Sara Duterte at sa pamilyang Garcia na kilalang political dynasty sa Cebu. Si Frasco ay dating Mayor ng Liloan, Cebu at anak ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia. Magkaibigan at naging magkaklase naman sa law school sina VP Sara at DOT Sec. Frasco. Naging tagapagsalita rin ni VP Sara si Frasco noong siya pa ang alkalde ng Davao City. “Ganito ang nagyayari kapag hindi lubos na competent ang mga ini-aappoint na opisyal ng gobyerno,” ayon pa sa grupo ng mga magbubukid.

𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬

Ayon pa sa grupo, mas akma at makatotohanan ang “Mahal sa Pilipinas” para isalarawan ang bansa sa paningin mismo ng mga Pilipino. Pinakamataas pa rin 5.4% implasyon sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa South East Asia.

Sinabi pa ng KMP na superficial lamang at hindi sapat ang “food farm tourism” na isinusulong ng DOT at Food and Agriculture Organization (FAO) sa bansa para mabigyang solusyon ang kakulangan ng kita ng mga magsasaka at mangingisda, food insecurity, at napakamahal na presyo ng pagkain sa bansa. May lampas 200 na farm-tourism sites o sa bansa at itinuturing itong isang sunshine industry ng DOT.

Nilalayon umano ng farm tourism o ‘future farms’ na hikayatin ang mga lokal at dayuhang turista sa mga tourist farms at farm camps para makabawi mula sa krisis dulot ng pandemya at madagdagan ang kita ng mga magsasaka, mangingisda at manggagawa sa agrikultura. Kabilang dito ang mga ‘sustainable nature farms’ na nagpapakita lang ng ‘aesthetic’ na mukha ng agrikultura.

“Ang kailangan talaga para tumaas ang kita ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda ay matatag ng agrikultura at pangisdaan. Kailangan magkaroon ng mga batayang rural industries na magbibigay ng empleyo at kabuhayan sa mga nasa probinsya,” ayon sa KMP. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss