Embahada ng Israel, sinugod ng protesta – Pinoy Weekly

October 31, 2023


Iginiit ng mga grupo ang karapatang magtipon nang payapa sa kabila ng pangha-harass ng pulisya sa mga nagprotesta upang kondenahin ang mahigit pitong dekadang ilegal at marahas na okupasyon ng Israel sa Palestine. Larawan ni Marc Lino J. Abila.

Nagprotesta ang mga progresibong grupo sa Embahada ng Israel sa Taguig City nitong Oktubre 31 bilang pakikiisa sa laban ng mamamayang Palestino para sa pambansang kalayaan. Hinarang man ng mga pulis at guwardiya, nakapagdaos pa rin ng programa ang mga grupo malapit sa embahada sa Bonifacio Global City.

Iginiit ng mga grupo ang karapatang magtipon nang payapa sa kabila ng pangha-harass ng pulisya sa mga nagprotesta upang kondenahin ang mahigit pitong dekadang ilegal at marahas na okupasyon ng Israel sa Palestine.

Pinayagang makapagprograma ang mga grupo nang isang oras matapos ang negosasyon nina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Raymond Palatino kay Taguig City Police chief Col. Robert Baesa.

Sa maiksing programa, ipinahayag ng iba’t ibang grupo ang kanilang pagsuporta sa mamamayang Palestino at nanawagan na itigil na ng mga puwersa ng Israel ang pandarahas at pambobomba sa mga Palestino, lalo na sa Gaza.

“Ang [iilang mga bansa] na sumusuporta sa genocide na ginagawa ng Israel sa Gaza ay mga bansa na mayroong dugo sa kanilang mga kamay,” ani International League of Peoples’ Struggle (ILPS) secretary general Liza Maza.

Dagdag ni Maza, kasama sa mga lider ng bansang sumusuporta sa Israel sina Pangulong Joe Biden ng United States na matagal nang sinusuportahang ang Israel at sandatahang lakas nito at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng suporta sa Israel nang dumalaw sa Malacañang si Israeli Ambassador Ilan Fluss noong Oktubre 11.

Tinawag din ni Maza na “merchant of death” ang Israel dahil sa pagbebenta nito ng armas sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas. Sa ulat ng The Times of Israel, umabot sa $12.5 bilyon ang kinita ng Israel sa pagbebenta ng mga armas pandigma noong 2022 na dumoble sa loob ng isang dekada.

Kinondena naman ni Nico Oba ng Filipino Nurses United at ILPS Health Commission ang airstrike ng Israel sa Al-Ahli Arab Hospital sa Gaza noong Oktubre 17 na kumitil sa mahigit 500 katao na karamiha’y mga may sakit, bata, kababaihan at nakatatanda na ginawang evacuation site ang gusali ng ospital.

Pinuna din ng mga grupo sa pangunguna ng Bayan ang hindi pagboto ng Pilipinas sa resolusyon ng United Nations na nananawagan ng tigil-putukan upang bigyang-daan ang paghahatid ng tulong tulad ng pagkain, tubig at gamot sa mga sibilyang naiipit sa labanan sa Gaza.

Marc Lino J. Abila

Marc Lino J. Abila

Marc Lino J. Abila is the editor-in-chief of Pinoy Weekly and social media manager of PinoyMedia Center.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Tagumpay ng sambayanan laban sa rehimen ni Marcos Sr, Binababoy at uulitin ni Marcos Jr

Sa ika-38 taon ng paggunita sa pag-aalsang Edsa, nais labusawin

VERA FILES FACT CHECK: Geriatrician Gary Sy NOT promoting Glufarelin for diabetes

Netizens are still sharing a two-month-old Facebook (FB) post about