FACT CHECK: HINDI bawal sa airport ang chocolate 

July 9, 2024


May Facebook post na nagsasabing bawal sa mga airport sa Pilipinas ang pasalubong na mga chocolate. Hindi ito totoo. 

Noong July 2 ay in-email ng VERA Files ang Manila International Airport Authority. Ayon sa kanilang Customer Relations Center: “There is no instance that chocolates are not allowed/permitted for air travel.” (Walang pagkakataong bawal ang mga chocolate sa biyahe sa eroplano.)

Hindi rin kasama ang chocolate sa mga bawal dalhin, ayon sa Office of Transportation Security.

Ang picture ng maletang puno ng iba’t ibang chocolate ay may caption na: “Sorry pinas bawal na pala ang pasalubong sbi sa Airport😂kaloka !!! Anu kaya gusto nila ibigay sa taga airport ung mga chocolate namin🤣🤣 only in the Pelepenss😒😵‍💫” 

Sa memorandum ng Bureau of Customs at Food and Drug Administration, hangga’t hindi lumalagpas sa limitadong bigat, pinapayagan ang pagdadala ng mga:

  • Pagkain: 10 kilo
  • Over-the-counter drug: 50 gramo
  • Vitamin at supplement: 500 gramo 
  • Gamit ng bata: 5 kilo
  • Laruan: 10 piraso
  • Pabango: 5 bote 
  • Sabon: 2 kilo
  • Shampoo: 2 kilo
  • Lotion: 2 kilo
  • Lipstick: 10 piraso
  • Iba pang make up: 1 kilo
  • Alak: 2 bote o 1.5 litro 

“Kaka uwi ko lang puro chocolates at kung ano ano pasalubong ko Wala nmang problema,” comment ng isang netizen. Tinawag din ng iba ang post bilang “fake news”.

Ang post na ini-upload ng Facebook page na Soon.com ay may higit 1,590 reactions, 505 comments at 1,180 comments.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)



Source link

VERA Files

VERA Files is a nonstock, nonprofit, independent media organization. Founded in March 2008, it is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Don't Miss

Pagbaba ng tantos ng implasyon, pansamantala lang–Ibon – Pinoy Weekly

Bagaman may pagbaba sa tantos ng implasyon sa bansa, nanatili

Welga ng manggagawa ng Nexperia, tuloy na – Pinoy Weekly

Bunga ng sama-samang lakas at pagkakaisa ng mga manggagawa ng