Fishing ban sa Cavite, tanggalin na—Pamalakaya – Pinoy Weekly

August 19, 2024


Hinikayat ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya Pilipinas) si Cavite Gov. Jonvic Remulla na tanggalin na ang fishing ban sa mga lugar sa lalawigan. 

Matatandaang nagdeklara ng fishing ban ang lokal na pamahalaan noong Hul. 30. matapos magkaroon ng oil spill ng mga barkong kinontrata ng San Miguel Corporation at iba pang kompanya.

Apektado ng ban ang pitong bayan at dalawang lungsod sa probinsya.

Tinanggihan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panawagan ng grupo at sinabing wala pang planong tanggalin ang ban hangga’t nananatiling hindi ligtas kainin ang mga isdang nahuli sa mga karagatang apektado ng oil spill.

Batay sa sensory evaluation ng ahensya, may bakas ng petrochemicals ang mga fish sample galing sa mga bayan ng Noveleta at Rosario. Wala namang nakitang bakas sa mga sample galing sa Cavite City, Tanza at Naic.

Hinimok ng Pamalakaya ang ahensya na magsagawa pa ng mga karagdagang pag-aaral sa mga isda, partikular ang chemical analysis.

“Hindi sapat ang sensory analysis dahil hindi nito nasusukat ang kemikal na nilalaman ng isda. Ang resulta na nagpapakita na ang mga sample ng isda ay kontaminado ng langis ay hindi ganap,” sabi ni Pamalakaya vice chairperson Ronnel Arambulo.

Ayon sa grupo, hindi na direktang nakaaapekto sa mga pangisdaan sa Cavite ang langis galing sa lumubog na MT Terranova. Dagdag pa, mas malala raw ang naging epekto ng fishing ban kumpara sa mismong oil spill.

Kabuhayan ng mahigit 30,000 mangingisda sa iba’t ibang lugar sa probinsya ang hindi naisaalang-alang nang ipatupad ang fishing ban.

“Habang isinasailalim sa fishing ban ang lalawigan sa Cavite, wala namang regular na suportang natatanggap ang mga mangingisda,” sabi ni Arambulo.

Nananawagan ngayon ang grupo sa pamahalaan na bigyan ng P15,000 ayuda ang bawat apektadong mangingisda.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Dear Meg, how do I prepare my boyfriend for a married life with an activist? – Pinoy Weekly

Dear Meg, I’m planning to ask my boyfriend to marry

Tornado Hits Perryton Town in Texas, 3 Dead & About 100 Injured | News

On Thursday, in Perryton, a small city in the south-central