Gawa-gawang kaso vs. human right defenders, ibinasura – Pinoy Weekly

November 26, 2023


Ibinasura ng iba’t ibang korte sa Timog Katagalugan ang mga gawa-gawang kaso laban sa human right defenders.

Nitong Nob. 21, ibinasura ni Associate City Prosecutor Christian Castro ang limang reklamo ng “terorismo” laban kay human rights worker at Tanggol Batangas spokesperson Hailey Pecayo.

Humarap si Pecayo sa limang reklamo: dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act (RA) 9851 o Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and other Crimes Against Humanity; dalawang kaso ng Violations of Sec 4 (a) & (d) ng Anti-Terrorism Act; at attempted murder.

Dahil sa kakulangan sa ebidensya, ibinasura lahat ng reklamo na isinampa ng 59th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

“Paunang tagumpay ito, hindi lang sa akin kundi para sa napakarami pang hindi nababalitang mga pangalan, dahil sila ang lubhang dinadaganan ng tako ng 59th IB sa Batangas,” ani Pecayo sa isang pahayag.

“Naibasura man ang mga kaso sa akin, sunod-sunod pa rin ang pagdukot, pagbabansag at pagkakaso ng [Anti-Terrorism Act] sa mga katulad kong tagapagtanggol ng karapatan tulad nina Karla Mae Monge, Ernesto Baez Jr. at Mariano Jolongbayan, ang huli ay hanggang ngayon hindi pa rin inililitaw ng 59th IB matapos ang isang linggong pagkawala,” dagdag ni Pecayo.

Base sa mga ulat, huling nakita si Jolongbayan sa Lian, Batangas noong Nob. 17, habang si Monge naman ay dinakip ng mga elemento ng 59th IB noong Nob. 20 sa Tuy, Batangas.

Sina Junald Jabonero (kaliwa) at Jose Escobio, dalawa sa tinaguriang “San Juan 3.” Tanggol Batangan/Facebook

Ibinasura naman ng Office of the Provincial Prosecutor Batangas nitong Nob. 23 ang dalawang kasong isinampa sa tinaguriang “San Juan 3” na organisador-magsasakang sina Baez, driver na si Jose Escobio at kasamang si Junald Jabonero dahil sa kawalan ng probable cause.

Naaresto ang San Juan 3 noong Ago. 24 sa Bahay na Sapa sa San Juan, Batangas at kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives.

Karapatan Southern Tagalog/Facebook

Ibinasura rin ng Antipolo City Prosecutor ang mga kaso sa ilalim ng Section 12 ng ATA laban kina Jasmin Rubia at Kenneth Rementilla noong Nob. 23 dahil sa kakulangan sa ebidensya. Sina Rubia at Rementilla ay mga human rights defender na kinasuhan din ng illegal possession of firearms.

Sa isang pahayag, ikinatuwa ng mga grupong Defend Southern Tagalog at Karapatan ang pagkakabasura ng gawa-gawang kaso laban sa mga kabataang aktibista.

“It is still too early to celebrate. But the awning opens, and when the light of truth shines fully, the time of reckoning begins,” pahayag ng Defend Southern Tagalog.

“We congratulate Pecayo, Rementilla, Rubia and their families, as well as the various human rights organizers in Southern Tagalog and in the Philippines who campaigned against these forms of judicial harassment,” wika naman ni Karapatan secretary general Cristina Palabay.

Tinay Palabay/Facebook

Ikinagalak naman ng Karapatan ang pagbasura ng petition for certiorari na laban sa 10 miyembro ng grupo, kabilang ang pito sa opisyal nito. Inihain ang petisyon nina dating National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon at kasalukuyang NSA Eduardo Año.

Ang petition for writ of certiorari ay isang legal na remedyo upang iapela ang maling desisyon ng mas mababang hukuman.

Sa isang 12 pahinang desisyon, sinabi ni Judge Luisito Cortez na hindi nag-commit ng grave abuse of discretion si Judge Aimee Alcera sa pag-dismiss at pagpapawalang-sala sa mga miyembro ng Karapatan sa kasong perjury.

“We hope that this decision puts an end to the use of this case to further harass us. The dismissal of Esperon and Año’s petition for certiorari is a vindication for human rights defenders in our struggle for justice and accountability,” saad ni Palabay.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Chinese Embassy Organizes Ramadan Charity Event in Egypt | News

On Sunday, the Chinese Embassy in Egypt, along with the

VERA FILES FACT CHECK: Collapsed buildings in FB Reel do NOT show Super Typhoon Mawar’s effects

A Facebook (FB) user falsely passed off old clips of