Gross Domestic Product o GDP – Pinoy Weekly

August 31, 2024


Gross Domestic Product o GDP – Nagsisilbing panukat ng kabuuang halaga ng produksiyon ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang tiyak na panahon.

Sinasalamin ng GDP at nagbibigay ng indikasyon kung malusog at matatag ang paglago ng isang ekonomiya sa isang partikular na panahon.

Sa ulat ng Philippines Statistics Authority (PSA) noong Mayo 9, ang gross domestic product ay lumago ng 5.7% noong Marso 2024, mas mataas kaysa sa binagong 5.5% na bilang na iniulat para sa ikaapat na kuwarto ng 2023.

Sa pagyayabang naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, napanatili umano ng Pilipinas ang posisyon nito bilang “nangungunang puwersa sa mga umuusbong na ekonomiya sa Asya.”

Ang pangako ng gobyerno sa pagpapalakas ng pampublikong pamumuhunan, na may mga planong mamuhunan ng average na 5.7% ng GDP mula 2024 hanggang 2026, kabilang ang 124 na bagong flagship infrastructure projects, ay inaasahang magpapalakas ng paglago.

Ngunit sa halip na pasiglahin ang merkado ng trabaho tungo at lumikha ng matatag na trabaho, inuna pa ng gobyerno ang panibagong paggasta sa imprastruktura na pinaglaanan ng P1.42 trilyon. Samantala, naglaan lang ng P849.4 milyon para sa pinagsama-samang kalusugan, panlipunang seguridad, trabaho, at iba pang serbisyong panlipunan.

Minaliit naman ng Ibon Foundation ang ipinagmamalaki ng administrasyong Marcos Jr. at ang papuri ng mga tagapamahala ng ekonomiya na ang paglago ng GDP na 5.7% para sa unang kuwarto ng 2024. Saad ng independent think tank, mababaw ang paglago at pag-unlad ng kalagayan ng mamamayan dahil wala itong nalilikhang bagong mga trabaho.

Ayon pa sa Ibon Foundation, bumaba nang 1.3 milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho mula sa huling kuwarto ng 2023. Wala pa rito ang malaking bahagi na tinatayang humigit-kumulang 19.2 milyon o 40% na hayagang nagtatrabaho sa impormal na ekonomiya noong unang kuwarto ng 2024. Dagdag pa rito ang humigit-kumulang na 16 millyon hanggang 18 milyong manggagawa na nasa unregulated na mga impormal na establisimyento.

Kinastigo naman ni Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang gobyerno dahil nananatiling ilusyon lang ng pamahalaan ang gumagandang ekonomiya ng bansa kasunod ng pagtaas ng GDP ng bansa sa 6.3% para sa ikalawang kuwarto ng taon.  

Ayon pa kay Ramos, hindi pa rin ramdam at butas pa rin ang bulsa ng mga magsasaka at ordinaryong Pilipino dahil sa mataas na bilihin, mababa ang kita at kapos sa kabuhayan sa kabila yan ng pagyayabang ng pamahalaan ng Pilipinas ay maituturing na isang “Asia’s best-performing emerging major economy”.

Dagdag pa ng KMP, mayroon ding 18.5 milyong kabahayan ang walang naitabing ipon batay sa sarbey ngayong ikalawang kuwarto ng taon. Halos may 1 milyong trabaho rin ang nawala o nalagas sa sektor ng agrikultura dahil hindi nakakabangon sa epekto ng El Niño at mga pagbaha.

Saad pa ng KMP, mas mataas pa ang GDP sa kaparehong kuwarto noong nakaraang taon sa 6.4%. Giit pa ng grupo, walang saysay ang GDP growth sa masa kung patuloy ang pagtaas ng implasyon o taas-presyo at bawat Pilipino ay may halos P140,000 na utang dahil sa lumulubong P15.4 trilyon na utang ng bansa.

Hinimok naman ng Ibon Foundation ang gobyerno na gumawa ng mas mahusay na mga patakaran sa paggawa at ituloy ang mga reporma sa economic strategy nito na tutugon sa mga batayang pangangailangan ng mga Pilipino.

Inimungkahi pa ng Ibon Foundation sa gobyerno ang paunlarin ang agrikultura at domestic industry sa halip na tumutok lang sa importasyon at dayuhang pamumuhunan, taliwas sa isinusulong sa tinatawag na economic charter change. 

Upang matugunan ang tumataas na disemplyo, kailangan naman ng gobyerno na gumawa ng pambansang patakarang pang-industriya na tutugon sa mga pangangailangan ng maliliit na negosyo kaysa malalaking pribadong korporasyon.

Kahit mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi ito ramdam ng karaniwang mga Pilipino dahil sa kahirapan at kawalan ng permanenteng trabaho.

Hangga’t hindi natutugunan ang mga ugat ng paghihirap at pang-aalipin sa ilalim ng mapang-api at mapagsamantalang sistema na pinamumunuan ng mga naghaharing uri at oligarko, magpapatuloy pa rin ang pagtahak ng masang anakpawis upang isulong nila ang tunay na pagbab



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Suicide Rate Rises Among US Teens | News

A Florida Atlantic University (FAU) Schmidt College of Medicine study

Alaala ng isang kaibigan, ka-tandem, lider-maralita

By KA BEA ARELLANOPinoy Weekly Marahil gasgas na sa marami