Uncategorized

Humarap si Zaldy Co, ibalik ang ninakaw–Bayan – Pinoy Weekly

Humarap si Zaldy Co, ibalik ang ninakaw–Bayan – Pinoy Weekly


Naaresto na si dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, isa sa mga itinutrong bumulsa ng malaking pondo ng mga proyektong flood control, noong Abril 16 sa Czech Republic.

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), “Dapat humarap si Zaldy Co sa kaso, ibalik ang ninakaw, at tukuyin ang mga kasabwat sa pagnanakaw ng pondo ng publiko. Inamin na niya ang kickbacks kay Marcos at tauhan nito.”

Panawagan pa ng grupo, dapat managot si Marcos Jr. dahil sa mga nilabas na rebelasyon ni Co ukol sa pagkasangkot sa katiwalian. 

Ani Co, si Marcos Jr. mismo ang nag-utos sa P100 bilyon insertion sa pambansang badyet noong 2025 at nakatanggap siya ng P25 bilyon dahil sa pagtulong sa presidente.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, makakabalik si Co sa Pilipinas at dadalin siya sa Camp Crame para iproseso ang kanyang kaso sa Sandiganbayan para sa paglilitis.

Humaharap si Co sa mga kasong graft at malversation. Kasama sa mga ebidensiya ang bank records at witness statements hinggil sa mga maanomalyang pondo.

Dating chairperson ng House Committee on Appropriations si Co sa maagang bahagi ng termino ni Marcos Jr.

Inihayag ng Malacañang na “pure hearsay” ang mga paratang ni Co laban kay Marcos Jr. Gawang AI daw ang mensahe at hindi naman totoo ang mga sinabi.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning