Hustisya para sa mga biktima ni Quiboloy – Pinoy Weekly


Nanawagan ng hustisya ang si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas para sa mga biktima ni Apollo Quiboloy na nahuli noong Set. 8 sa mga patong-patong na kaso ng sex and human trafficking, marriage fraud, coercion, money laundering, cash smuggling, at iba pa.

Giit ni Brosas, kailangang mabigyan ng agarang suporta ang mga biktima, lalo na ng proteksiyon at legal na tulong.

“Isang matinding kawalan ng hustisya ang pagpapatakbo ni Quiboloy sa Mindanao ng ilang dekada nang walang parusa na posibleng nag-iwan ng bakas sa hindi mabilang na mga biktima,” ani Brosas sa wikang Ingles.

Ayon kay Brosas, dapat ding maimbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang iba pang mga opisyal na tumulong kay Quiboloy.

“Dapat suriing mabuti ang tungkulin ni Duterte bilang spiritual adviser [niya si] Quiboloy at ang potensiyal na pagkakasangkot nito sa pagtatanggol sa kanya mula sa hustisya, lalo na sa pagkakatalaga kay Duterte kamakailan bilang tagapangasiwa ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ,” dagdag ni Brosas.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!