Diaspora Stories

Imbestigasyon sa pagpatay sa brodkaster sa Surigao, ipinanawagan – Pinoy Weekly

Imbestigasyon sa pagpatay sa brodkaster sa Surigao, ipinanawagan – Pinoy Weekly


Kung konektado ang pamamaril sa gawain bilang brodkaster sa radyo, panglima nang mambabalita na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon si Erwin Segovia, brodkaster at station manager ng Radyo Gugma na FM station sa Surigao del Sur. Pinagbabaril siya umaga ng Hul. 21 sa Bislig City.

Panawagan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang agarang imbestigasyon “para makita ang posibleng koneksiyon ng pagpatay kay Segovia sa matatalas niyang komentaryo.” Kilala si Segovia o “Boy Pana” sa pagbabalita sa politika at mga isyung panlipunan.

Ayon sa NUJP, sinusundan ng malagim na pagpatay na ito ang napakarami pang hindi nareresolba, tulad ng kay Johnny Dayang, beteranong mamamahayag na binaril sa loob ng bahay niya sa Kalibo, Aklan noong lang Abril 29.

“Nananawagan rin kami sa Kongreso at sa administrasyong Marcos Jr. na bigyang priyoridad ang pagsulong ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mamamahayag,” dagdag ng unyon.

“Hindi dapat kailanman pinapalampas ang pagpatay sa mga mamamahayag dahil may chilling effect ito sa trabaho ng lahat ng mga peryodista,” sabi ni Audrey Azoulay, Director-General ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning