Iniraratsadang ChaCha sasalubungin ng mga protesta – updates from the peasant movement of the Philippines

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pursigidong pagsusulong ng Charter Change ng gobyernong Marcos Jr sa kabila ng patong-patong na problemang kinakaharap ng mga Pilipino.

Ipinasa nasa COMELEC kahapon ang mga nakalap na pirma para sa People’s Initiative mula sa halos 400 local government units. Napag-alaman na ginamit ang mga barangay at pinangakuan ng mga ayuda kagaya ng AICS, TUPAD at medical assistance ang mga in-engganyong pumirma sa People’s Initiative.

Gayundin, isinampa na ng liderato ng Senado ang Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayon ng pag-amyenda sa mga economic provisions ng Konstitusyon para luwagan ang mga foreign investments sa edukasyon, mass media and advertising at mga public utilities gaya ng tubig, kuryente at telekomunikasyon.

“Hindi ChaCha ang kailangan ng masa. Malinaw na walang pakinabang na nilulutong ChaCha ang mga magsasaka na apektado ng bagsak na presyo ng mga produktong gulay. Walang mapapala sa ChaCha ang mga manggagawang kulang ang sahod at nagdudusa dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. Hindi ChaCha ang sagot sa araw-araw na protesta ng mga PUJ draybers at operators na mawawalan ng kabuhayan dahil sa makadayuhang modernisasyon at jeepney phaseout,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos.

Nakatakdang tumaas ang presyo ng siyam na basic goods kasama ang asin, kape, asukal, delata, noodles at iba pa. Nagtaas ng singil sa kuryente, tubig at patuloy ang Oil Price Hikes. Hirap na hirap ang masa sa mga taas-presyo pero ChaCha ang inaatupag ng manhid at walang silbing gobyerno.

Mula noon hanggang ngayon, mariin na tinututulan ng KMP ang mga tangkang Charter Change ng bawat administrasyon dahil sa posibleng pagpapalusot ng 100% foreign ownership of lands at term extensions ng Pangulo.

Nanawagan ang KMP sa malawak na mamamayan na magkaisa, maging mapanuri at malakas na ilantad at tutulan ang pakanang ChaCha ng gobyernong Marcos Jr.

Sasama ang grupo ng KMP at mga magsasakang kasapi nito sa mga magaganap na pagkilos at protesta laban sa Charter Change. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Young political prisoner regains freedom ‘with a smile’

Ge-Ann Perez, 24, was all smiles when she stepped out

Gabriela, tutol sa appointment ni Gadon

By JULIA THERESA SORIANOPinoy Weekly Mariing tinutulan ng Gabriela sa isang pahayag