Inisyal na pahayag ng KMP kaugnay sa EO 39

September 1, 2023

  1. Naobliga ang Malakanyang na ilabas ang EO 39 dahil tiyak na tataas muli ang implasyon ngayong buwan dahil sa napakamahal na presyo ng bigas at iba pang bilihin. Hinayaan pa ng gobyerno na umalagwa ng husto ang presyo ng bigas sa P50 hanggang P60 kada kilo bago naglabas ng Price Ceiling na nasa mandato naman talaga nito.
  2. Sa totoo lang, kaya pang ibaba ng mas mababa kaysa sa Php41 at Php45 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice at well-milled rice, kung susundin lang ang rule of thumb sa pagtatakda ng presyo ng bigas.

Halimbawa, kung nabili ng rice traders sa median price na Php19 hanggang Php22 kada kilo ang palay at idagdag pa ang mga mga gastusin sa drying, milling, hauling, transportasyon at iba pa, kung babatay sa rule of thumb, dapat nasa Php30 hanggang Php37.40 lang ang magiging presyo ng kada kilo ng bigas at may kita na dito ang mga traders hanggang retailers.

  1. Dapat na gumawa ng sinserong hakbang ng gobyerno para buwagin ang kartel sa bigas (mga mapagsamantalang importers, traders, negosyante na may mga kasabwat sa DA) na siyang nakakapagtakda at nakakapag-manipulate sa suplay at presyo ng bigas sa lokal na merkado.
  2. Kailangan na talagang i-repeal ang RA 11203 o Rice Liberalization Law (tariffication) at ibalik ang mandato ng National Food Authority na direktang mamili ng signipikanteng bolyum ng palay mula sa mga magsasakang Pilipino. Muli, palakasin ang lokal na produksyon at hindi importasyon ang solusyon.
  3. Nananawagan kami sa mga magsasaka at mamamayan na ipaglaban ang karapatan sa kabuhayan at pagkain, ipaglaban ang narararapat na suporta at subsidyo sa agrikultura at pagsasaka para matiyak ang seguridad at kasapatan sa pagkain ng bansa. Dapat din na itaas ang sahod ng mga manggagawa at ibaba ang presyo ng produktong petrolyo at iba pang bilihin. #

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Ang Bayan » Hustisya at “kambalingan,” panawagan sa ika-6 taong anibersaryo ng Marawi Siege

Nagmartsa sa loob ng Marawi City ang mga bakwit at

Balik-Tanaw | Mountaintop experience – Bulatlat

https://globalworship.tumblr.com/post/138822344510/the-transfiguration-in-modern-art-as-exodus By DSS. NORMA P. DOLLAGA Kasimbayan Dn 7:9-10, 13-14Ps