Itigil ang arms deal sa pagitan ng Pilipinas at Israel — mga magsasaka – updates from the peasant movement of the Philippines

Mahigpit na nananawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na itigil na ang “arms deal” sa pagitan ng Pilipinas at Israel. Lumalabas na ikatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking buyer ng mga armas, sandata, at gamit pandigma mula sa Israel at pinakarami ang binili ng nagdaang gobyernong Duterte.

Sinimulan noong 2013 ang proyektong “Horizon” sa pagitan ng Pilipinas at Israel kung saan susuplayan ng Israel ng armas ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Taong 2018 hanggang 2022 naman ipinatupad ang Horizon 2 at simula 2023 hanggang 2028 sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr, ipinapatupad ang Horizon 3.

Sa proyektong Horizons, sinusuplayan ng Israeli defense contractors ang AFP ng patrol boats, long-range patrol planes, fast-attack interdiction-missile vessels, at iba pang gamit at armas pandigma. Nitong Hulyo, nanalo ang Elbit Systems ng Israel ng $114-million kontrata para magsuplay ng dalawang long-range patrol planes sa Pilipinas. Noong isang taon, nagdeliver din ang Elbit ng 20 Land Sabrah ASCOD (tracked) light tanks sa Philippine Army.

Bukod sa Elbit Systems, kabilang din sa nagsusuplay ng armas sa AFP ang mga kumpanyang Israeli na Israeli Aerospace Industries, MCTECH RF Tech Ltd, Rafael Advanced Defense Systems, Rayzone Group at Smartshooter.

Pinakamalaking buyer ng armas mula sa Israel ang India ($1.2 billion), ikalawa ang Azerbaijan ($295 million) at pangatlo ang Pilipinas ($275 million o halos P15 billion).

Sa pagitan ng taong 2001 hanggang 2018, nag-suplay ang Israel sa Pilipinas ng Blue Horizon UAVs, EL/M-2032 ac combat radar, EL/M-2288 AD-STAR air search radar systems, M-68/M-71 155mm towed guns, Spike-ER anti-tank missiles, Spike-NLOS SSM/ASM, at EL/M-2022 multiple-platform aircraft radar. Ginagamit ang mga armas na ito sa counter-insurgency operations sa bansa.

Ginagamit din ng Philippine National Police, Philippine Army Philippine Marines ang mga baril at kanyon na galing sa Israel gaya ng Galil Ace rifles, 7.62mm Negev light machine guns, TAR-21, Soltam M-71 155 mm howitzer, at iba pa. Ayon sa Israel Weapons Industry, umaabot sa halos 13,000 units ng Galil Ace basic assault rifles ang ibinenta ng Israel sa PNP. Sa Israel din galing nga mga drones ng AFP kabilang ang 2 Hermes 450 unmanned aerial vehicles o UAVs.

“Ang mga armas na isinusuplay ng Israel sa Pilipinas ay kaparehong mga armas na ginagamit ng Israeli Defense Force (IDF) na pumapaslang sa mga mamamayan at settlers sa Gaza Strip, at karamihan sa mga napaslang ay mga bata, matatanda at mga sibilyan,” ayon kay Ronnie Manalo, pangkalahatang kalihim ng KMP.

“Kinokondena ng mga magsasaka ang patuloy na pagpaslang ng militar ng Israel sa mamamayan at settlers sa Palestine, partikular sa Gaza Strip. Umaabot na sa lampas 5,100 ang napaslang na mamamayang Palestino dahil sa pambobomba ng Israel, at kalahati sa mga napatay ay mga bata.

Kinokondena rin ng KMP si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa patuloy na pambobomba ng gobyerno nito sa mamamayang Palestino sa Gaza. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

PRWC » 94th IB will pay for its numerous human rights violations

The massacre of the Fausto family, including two minors, yesterday,

Oh, my gulay!

No matter how high one’s awareness is about the importance