Kalabasa ng mga magsasaka bilhin na lang gobyerno — KMP – updates from the peasant movement of the Philippines

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na bilhin ng gobyerno ang aning kalabasa ng mga magsasaka sa halip na mabulok at malugi ng husto ang ating mga magbubukid na umaaray sa napakababang presyo ng kalabasa. Nasa P3 lang ang kilo ng kalabasa sa Nueva Ecija at bumagsak naman sa P2 kada kilo ang presyo sa Cotabato at General Santos City. Tone-tonelada ang nabubulok at itinatapon na lang ng mga magsasaka o kaya’y ipinapakain sa mga alagang hayop.

“Ang pinakapuno ng problema dito, kulang na kulang ang marketing support and assistance ng DA at ng gobyerno sa mga magsasaka. Palaging iniaasa sa pribadong traders ang pagbili ng produkto ng mga magsasaka,” ayon kay KMP chairman emeritus Rafael Mariano, isa ring magsasaka ng palay at gulay mula sa Quezon, Nueva Ecija.

“Kung nagawa ng DA at Kadiwa sa sibuyas, kaya din masubsidyuhan ang pagbili ng kalabasa direkta mula sa mga magsasaka. Pwede rin na bilhin ng mga LGU, DepED at DA para iluto sa feeding programs sa mga public schools. Pwede rin bilhin ng TESDA, DOST at DTI para iproseso para gawing Pancit Canton Squash, Rice-Squash Curls, Squash Chips at iba pa.”

“Lahat naman ng Pilipino kumakain ng kalabasa. Wala dapat “oversupply” sa kalabasa kung maagap at may plano ang DA para sa marketing assistance sa ating mga magsasaka,” ayon pa sa dating Agrarian Reform Secretary.

Sinabi rin ng KMP na huwag sanang sisihin ng DA ang mga magsasaka kung nagtanim sila ng kalabasa at ang dapat kastiguhin ay ang mga mapagsamantalang traders. Dati-rating nasa P25 kada kilo ang farmgate price ng kalabasa. Bumaba ito at naging P12 kada kilo hanggang bumagsaka na nga sa P2 kada kilo. Umaabot sa halos P50,000 kada ektarya ng gastos sa produksyon ng kalabasa. Itinatanim ito mula Mayo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Disyembre.

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute ng DOST, mayaman sa beta carotene at mga bitamina ang kalabasa na importante para sa nutrisyon ng mga mga sanggol at bata.

Samantala, hinimok ng KMP na bantayang mabuti ng publiko ang pagpapatupad ng Food Stamp Program o Walang Gutom 2027 ng DSWD. “Bukod sa Food Stamp Program na dole-out pa rin, mas kailangan ng ating mga mahihirap kababayan ng trabaho at nakabubuhay na sahod. Susi dito ang pagkakaroon ng mga industriya na magbibigay ng trabaho sa mamamayan.”

Bukas magmamartsa patungong Mendiola ang mga magsasaka at kasama sa kanilang panawagan ang subsidyo sa agrikultura. ##

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Bedouins Leave the West Bank Due to Attacks by Israeli Settlers

A Palestinian Bedouin community in the West Bank abandoned their

Ang Bayan Ngayon » Broad anti-chacha network, to protest on the 38th anniversary of EDSA Uprising

Organizations and individuals under the No to Chacha Network gathered