Organizations

Liham ni Mary Jane Veloso

Liham ni Mary Jane Veloso


Mahigit isang taon na ang nagdaan mula ng makabalik ng Pilipinas ang ating mahal na kababayan na si Mary Jane Veloso. Maalalang taong 2024 ng ika-18 ng Disyembre, mainit na sinalubong ng pamilya’t tagasuporta mula sa iba’t ibang sektor ang pagdating ni Mary Jane Veloso sa bansa. Sa kasalukuyan, nananatili pa ding nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong si Mary Jane. Karagdagan ito sa labing-limang taong pagdurusa ng pagkakakulong sa Indonesia, sa salang hindi niya ginawa. Nasa kamay na ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at Pangulong Bongbong Marcos Jr. na agarang palayain si Mary Jane Veloso. Pilit mang pinagkakaitan ng kalayaan si Mary Jane, malaya ang kanyang diwa na balang araw ay kapiling na niya ang mga mahal sa buhay.

Pakinggan ang liham na sinulat ni Mary Jane sa loob ng piitan para sa kanyang mga taga suporta.

January 28,2026

Magandang umaga po sa inyong lahat, ako si Mary Jane Fiesta Veloso. Lubos na nag papasalamat sa lahat ng tulong at suporta ninyo sa akin at sa aking pamilya.Hindi ko po kayo lubos na kilalang lahat, ngunit ramdam ko po ang inyong malasakit at pagmamahal bilang kapamilya.Nandito po kayong lahat nakikipaglaban kasama mula sa umpisa hanggang sa ngayon.Patuloy po ninyo akong tinutulungan upang makamit ko ang hustisya at ang aking kalayaan .Alam ko po na gabay ng Diyos ,isa kayo sa naging dahilan kaya na tigil ang ang pagpapatupad ng DEATH ROW sa akin at dahil din sa inyong lahat na sumusuporta sa akin, napauwi po ako ng ating mahal na Pangulo FERDINAND “BONG-BONG”MARCOS Jr na siyang naging daan kaya noong December 18,2024 naiuwi po ako dito sa ating bansa. Kaya muli po akong mabuhayan ng loob at patuloy nananalig sa Diyos at umaasa na hindi magtatagal makakapiling ko nang muli ang aking mga mahal sa buhay.

Nais ko lang din po,na malaman ninyo kung gaano ako nahihirapan na makita ang aking mga magulang na may edad na, nanggaling pa sa Nueva Ecija,bumiyahe ng 8-10 hours para lang bisitahin ako. At kailangan pa nilang maghanap ng pera sa kanilang pamasahe.At pagkain na madadala sa akin.Hindi na nila alintana ang kanilang mga nararamdaman dahil may edad na nga sila makita lang ako para maibsan ang kanilang pangungulila.Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan heto po ako isang taon na ang nakalipas nandito pa rin ako nakakulong kahit wala akong kasalanan at wala din po akong nagawang masama sa ating bansa.

Para sainyong lahat na patuloy na sumusuporta sa akin saan mang bansa o kumunidad po kayo nagmula huhingi po ako ng inyong tulong sa inyong lahat,wala na po akong ibang hiling kung hindi ang makapiling kung muli ang aking pamilya naihiwalay sa akin ng higit kumulang 16 years.Nawa’y ipagkaloob na po sa akin ang pagkakataon na maalagaan ko ang aking mga magulang habang buhay pa sila at lalong -lalo na ang aking anak na hindi ko man lang sasubaybayan ang kanilang paglaki, gusto kong ipadama sa kanila na mayroon silang isang ina na sobrang nagmahal sa kanila.

Ako po ay lubos na nagagalak sa inyong mga sumusuporta sa akin na may busilak/ malinis na kalooban na handa akong tulungan na mapaaga ang aking paglaya. Maraming salamat po, naway Dios na ang bahala suklian ang inyong kabutihan sa akin at sa aking pamilya.

GOD BLESS US.
Signed: Mary Jane F. Veloso

January 28, 2026

Good morning, everyone, I am Mary Jane Fiesta Veloso. Thank you for all your help and support to me and my family. I may not know you all well, but I feel your care and love as if you were my family. You are all here fighting alongside from the beginning until now. You continue to help me to attain justice and freedom. I know that God’s guidance is one of the reasons why the DEATH ROW has carried out for me and because of all of you who support me, I was sent home by our dear President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, which is the way that I was able to return to our country on December 18, 2024. I am humbled and continue to trust in God and hope that it will not take long before I am reunited with my loved ones.

I just want you to know how difficult it is for me to see my parents who are already old, coming all the way from from Nueva Ecija, traveling 8-10 hours just to visit me. And they even have to find money for transport fares. And food that they can bring me. They don’t care about their health conditions anymore, though they are old, to see me only to ease their longing. But for some reason, after one year, I am still here in prison even though I have done nothing wrong and I have done nothing wrong to our country.

To all of you who continue to support me, wherever you are from, I ask for your help from all of you, I wish nothing but to again be with my family after they were separated from me for more than 16 years. May I be given the opportunity to take care of my parents while they are still alive and especially my child who I could watch them grow up, I want to make them feel that they have a mother who loves them very much.

I am very grateful for your those who support me, you who are truly pure in spirit who are ready to help me advance my release. Thank you, may God will repay your kindness to me and my family.

GOD BLESS US.
Signed: Mary Jane F. Veloso



Source link

MIGRANTE International
MIGRANTE International

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning