Magsasaka sa Quezon, inaresto ng pulisya – Pinoy Weekly


Hinuli nang walang arrest warrant ang magsasaka ng niyog na si Roberto Mendoza bandang 5 a.m. nitong Set. 1 habang nagkokopra sa Brgy. Silongin sa San Francisco, Quezon.

Si Mendoza ang ama ni Lieshel Mendoza, isang tanggol-magsasakang sinampahan ng mga gawa-gawang kaso ng paglabag sa Anti-Terrorism Act at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) nitong Enero kasama ang isa pang tanggol-magsasakang si Yulesita Ibañez.

Maliban sa ilegal na pag-aresto sa nakatatandang Medoza, hinalughog at sinira rin ng pulisya ang koprahan ng pamilya.

Ayon sa Tanggol Quezon, isa itong taktika ng militar at pulisya para pasukuin ang anak ni Mendoza na pinararatangang kasapi umano ng New People’s Army.

Dagdag ng grupo, walang dapat isuko ang pamilya Mendoza at dapat managot ang 85th IBPA at pulisya ng Quezon sa mga paglabag nito sa mga karapatang pantao ng mamamayan ng Bondoc Peninsula sa lalawigan ng Quezon.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!