Magtutubo sa Batangas, naigiit ang tulong pinansiyal – Pinoy Weekly


Natanggap na ng 2,810 magtutubo mula Batangas noong Ago. 1 ang tulong pinansiyal na higit isang taon nang ipinaglalaban para sa mga naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro.

Ipinamahagi ang P10,000 ayuda sa mga nagsumite ng dokumento sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP sa mga bayan ng Tuy, Balayan at Lemery.  

Pero dismayado ang alyansang Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (Sugar)-Batangas dahil may higit 7,000 na magtutubo ang hindi pa nabibigyan.

Kasama rito ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga senior citizen na tumatanggap na ng pensiyon. Kasalukuyan pa rin itong inaapela ng Sugar-Batangas sa pamunuan ng DSWD.

Dinaluhan nina Cathy Estavillo ng Amihan National Federation of Peasant Women at Sarah Elago ng Gabriela Women’s Party ang pamamahagi ng ayuda sa ilang bayan upang makiisa at talakayin ang pambansang kalagayan ng mga magsasaka sa bansa.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!