Maharlika Investment Fund panibagong pagnanakaw ng mga Marcos sa pera ng bayan — KMP – updates from the peasant movement of the Philippines

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang ginawang pagratsada sa Maharlika Investment Fund na pipirmahan na lang ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ayon sa grupo, pondong para sa mga magsasaka ang isusugal sa MIF na wala naman talagang katiyakan kung kikita at magtatagumpay.
“Mga magsasaka na naman ang tatamaan ng magiging epekto ng MIF. Hindi natin dapat kalimutan ang nangyari sa coco levy fund noon ni Marcos Sr. na hanggang ngayon hindi pa naibabalik at napapakinabangan ng mga magsasaka sa niyugan. Nasa P100 bilyon na ang coco levy fund at halos 50 years nang binabawi ng mga magsasaka.”

“Kapag gusto, may paraan ang mga legislators. Napakabilis na inaprubahan ng MIF samantalang ang mga mas mahahalagang panukalang batas na para sa kapakinabangan ng mamamayan, natutulog at inaagiw sa Kongreso, kagaya ng P15,000 production subsidy bills at Rice Industry Development Bill.”

“Sa karanasan ng mga magsasaka, hindi nakikinabang ang mga ordinaryong Pilipino sa sinasabing mga “profitable infrastructures” na gustong pondohan ng MIF. Kahit mga proyekto ng gobyerno na mga farm-to-market roads, maraming kaso ng korapsyon,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos.

Manggaling na lang ang seed capitalization ng MIF sa Land Bank of the Philippines (Landbank) at Development Bank of the Philippines (DBP) kung saan P50 bilyon ang ilalagak ng Landbank sa MIF sa target na P500 billion Maharlika Initial Capitalization. Magbibigay naman ng P50 billion ng dibidendo nito ang Bangko Sentral ng Pilipinas na pondo pa rin ng mamamayan.

In-adopt ng Kongreso ang inaprubahang bersyon ng Senado ng MIF. Dahil sa malakas na protesta at reaksyon ng publiko, hindi na isinama ang ilang GOCCs sa pagkukunan ng seed fund ng MIF. Kabilang dito ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (PAG-IBIG Fund), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO). Subalit maari pa rin mag-invest sa MIC ang mga GOCCs.

Nangangamba rin ang KMP sa kawalan ng sovereign guarantee ng MIF at kung malugi ang mga investment ay hindi na maibabalik ang pondo ng mamamayan. Ayon sa grupo, tumaas na nga sa P13.91 trillion ang utang ng Pilipinas, isusugal pa ng gobyerno ang pera ng taumbayan. Hindi rin umano sapat ang mga probisyon ng inaprubahang MIF para maprotektahan ang pondo.

Patuloy na ipoprotesta ng mga magsasaka ang Marcos Maharlika Investment Fund na para lang sa mga negosyo at kaalyado ng Pangulo. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss