Makabayang sining para sa Tinang 83 – Pinoy Weekly


Ibinida ng mga progresibong artista ang kanilang sining bilang pakikiisa sa mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa isang flea market sa Quezon City nitong Ene. 20.

Tinawag na “Buy na, Bai!,” isang fundraising event na pinangunahan ng Alliance of Artists for Peasant Rights (AAPR) katuwang ang Artista ng Rebolusyong Pangkultura (Arpak) at Paraluman Productions.

Ayon kay Ellie Desales ng AAPR at Arpak, panawagan nila sa nasabing flea market ang pagsasawalambisa ng kasong  illegal assembly ng 83 na mga magsasaka at taga-suporta nila sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 2022. 

“Malapit ito [kaso ng Tinang] sa amin bilang ‘yong mga ilang artista mula sa Arpak ay kasama sa Tinang 83,” ani Desales.

Nakilahok ang 13 local merchant sa fundraising event. Itinampok dito ang mga pre-loved item, handicraft, pagkain atbp. Mapupunta naman ang bahagi ng kanilang kikitain sa mga magsasaka ng Tinang.

Si Donna Miranda ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura sa isang talakayan hinggil sa kalagayan ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. KC Mancilla/Pinoy Weekly

May tatlong dekada nang ipininaglalaban ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang ang karapatan sa kanilang 62.4 na ektarya na lupang sakahan. 

Noong Hun. 9, 2022,  mahigit 100 magsasaka at tagasuporta ang kinulong nang walang warrant of arrest.

Giit ni Donna Miranda ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), may papeles man na nagsasabing nasa Makisama-Tinang ang lupa, hindi pa rin sila naka-install sa lupang sakahan hanggang ngayon.

Nagkaroon din ng talakayan sa kalagayan ng kaso ng Tinang 83 at kung paano nagiging instrumento ang sining sa para sa pagpupukaw at pagpapakilos.

Wika ni Arpak spokesperson Nica Loria, “Sa ating mga artist, mayroon tayong sariling paraan kung paano natin mapupukaw ang tao sa ganitong isyu.”

Sinabi rin ni Loria na makikiisa ang kanilang grupo sa komemorasyon ng Mendiola massacre sa Ene. 22, kung saan pinaputukan ng pulisya ang mga nagprotesta at nanawagan ng tunay na reporma sa lupa na nagresulta ng pagkamatay ng 13 magsasaka noong 1987.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!