MALI ang pahayag ni Abante na UN court ang ICC

June 18, 2024


Nagkamali si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa pagtukoy sa International Criminal Court (ICC) bilang investigative body ng United Nations (UN). Ang ICC ay itinatag ng Rome Statute noong 1998 at independent mula sa UN.

PAHAYAG

Sa isang pagdinig noong Hunyo 6 sa pagsusuri ng mga kaso na may kaugnayan sa extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte, sinagot ni Abante, na namumuno sa House Committee on Human Rights, ang mga pahayag na ginawa ng legal counsel ng mga biktima ng drug war:

Hinihiling ko lang na wag nyong babanggitin ang ICC dito. ‘Wag niyong banggitin. ‘Wag, okay? Sapagkat wala kaming pakialam sa ICC at hindi namin hahayaan na pakialaman kami ng ICC. We are a sovereign country here, hindi ko isusuko ang pagkasoberano ng House na ito sa ICC. Hindi po bansa ang ICC, all right? Investigative body ng UN ang ICC. Tayo ay bansa, meron tayong demokrasya.”

(“Hinihiling ko lang na ‘wag n’yong babanggitin ang ICC dito. ‘Wag niyong banggitin. ‘Wag, okay? Sapagka’t wala kaming pakialam sa ICC at hindi namin hahayaan na pakialaman kami ng ICC. Tayo ay isang soberanong bansa dito, hindi ko isusuko ang pagkakasoberano ng House na ito sa ICC. Hindi po bansa ang ICC, okay? Investigative body ng UN ang ICC. Tayo ay bansa, meron tayong demokrasya.”)

 

Pinagmulan: House of Representatives of the Philippines official Facebook page, COMMITTEE ON HUMAN RIGHTS, Hunyo 6, 2024, panoorin mula 2:17:09 hanggang 2:17:47

ANG KATOTOHANAN

Ang ICC ay independyente sa UN at hindi nagsisilbing investigative body nito.

Ang Korte ay itinatag ng Rome Statute noong 1998 upang tingnan at litisin ang mga indibidwal na kinasuhan ng war crimes, genocide, mga krimen laban sa sangkatauhan at aggression.

Bienvenido Abante Jr.Bienvenido Abante Jr.

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pagsusuri mula noong 2018 dahil sa mga hinihinalang krimen laban sa sangkatauhan na ginawa sa ilalim ng digmaan laban sa droga ni Duterte. Ang pagsisiyasat ng ICC ay isinasagawa mula noong 2021 at ipinagpatuloy noong 2023 pagkatapos ng pansamantalang suspensyon.

Noong 2018, sa utos ng administrasyong Duterte, kumalas ang bansa bilang miyembro ng Rome Statute na nagkabisa noong 2019. Sa kabila nito, patuloy na pinananatili ng Korte ang hurisdiksyon sa mga krimen na sinasabing nangyari noong miyembro pa nito ang bansa.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


Check out these sources

 

International Criminal Court, About the Court, Accessed June 6, 2024

International Criminal Court, How the Court works, Accessed June 6, 2024

International Criminal Court, Republic of the Philippines, Accessed June 6, 2024

International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court, Accessed June 6, 2024

International Criminal Court, Decision on the Prosecutor’s request for authorisation of an investigation pursuant to Article 15(3) of the Statute, Sept. 15, 2021

International Criminal Court, Statement of the Prosecutor, Fatou Bensouda, on her request to open an investigation of the Situation in the Philippines, Accessed June 14, 2021




Source link

VERA Files

VERA Files is a nonstock, nonprofit, independent media organization. Founded in March 2008, it is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Don't Miss

Russian President Meets With His Egyptian Counterpart | News

Russian President Vladimir Putin and Egyptian President Abdel Fattah El-Sisi

US Congress Approves Bill to Raise Debt Limit | News

After months of partisan arm-wrestling, the U.S. Congress approved the