MALI ang pahayag ni Castro sa sahod ni BSP Gov Remolona Jr.

May 21, 2024


Sinipi sa mga balita si Rep. France Castro ng ACT-Teachers (Alliance of Concerned Teachers) Partylist na tinuligsa ang “net pay” ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., na inilathala sa Commission on Audit (COA) 2023 Report on Salaries and Allowances (ROSA). Ang pahayag ay hindi tumpak.

PAHAYAG

Sinipi si Castro, deputy minority leader sa House of Representatives, sa mga ulat ng balita na may petsang Mayo 5 na nagsabi:

“It is utterly unacceptable that BSP Governor Eli Remolona Jr. takes home a net pay of P35.48 million, while our teachers are forced to live on a meager salary that is way below the poverty line.”

(“Lubos na hindi katanggap-tanggap na ang BSP Governor Eli Remolona Jr. ay nakapag-uwi ng P35.48 milyong netong suweldo, habang ang ating mga guro ay napipilitang mabuhay sa kakarampot na suweldo na mas mababa pa sa poverty line.”)

Pinagmulan: Inquirer.net, Castro: Castro: Salaries of BSP officials slap on struggling teachers’ faces, Mayo 5, 2024

Nasa Facebook page ng Alliance of Concerned Teachers ang mga balita noong Mayo 6.

ANG KATOTOHANAN

Nilinaw ng COA sa introduction nito sa 2023 ROSA na ang summarized compensation data na ipinakita ay “gross of tax,” taliwas sa pahayag na iniuugnay kay Castro, na naglalarawan sa P35.48 milyon na “net pay” ni Remolona.

VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Hindi tumpak ang napabalitang pahayag ni Rep. France Castro na "net pay" ang P35.48milyon para kay Bangko Sentral Governor Eli Remolona Jr., base sa 2023 Report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit. Malinaw sa COA report na "gross of tax," o hindi pa nakakaltasan ng buwis at iba pang deductions ang P35.48 milyong sweldo ni Remolona.VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Hindi tumpak ang napabalitang pahayag ni Rep. France Castro na "net pay" ang P35.48milyon para kay Bangko Sentral Governor Eli Remolona Jr., base sa 2023 Report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit. Malinaw sa COA report na "gross of tax," o hindi pa nakakaltasan ng buwis at iba pang deductions ang P35.48 milyong sweldo ni Remolona.

Ang gross pay ay tumutukoy sa kabuuang kita ng mga empleyado bago ang mga bawas tulad ng mga buwis, benepisyo, o iba pang mga withholding. Ang net pay, sa kabilang banda, ay ang halagang natitira pagkatapos maisaalang-alang ang lahat ng pagbabawas.

Batay sa ulat ng COA, si Remolona ang opisyal ng gobyerno na may pinakamataas na sahod noong 2023.

Saklaw ng ROSA ang mga punong opisyal at governing board members ng mga korporasyon ng gobyerno at kanilang mga subsidiary, gayundin ang mga water district; mga cabinet secretary, undersecretary, assistant secretary, at iba pang opisyal na humahawak ng katumbas na posisyon sa burukrasya; at mga matataas na opisyal at miyembro ng lupon ng state universities at colleges at iba pang mga stand-alone na ahensya.

Gayunpaman, hindi kasama sa ulat ang mga halal na opisyal ng gobyerno, tulad ng pangulo, bise presidente, senador at mga kongresista.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


Mga Pinagmumulan

Commission on Audit, 2023 Report on Salaries and Allowances, Mayo 2, 2024

Sa pahayag ni Rep. France Castro

 




Source link

VERA Files

VERA Files is a nonstock, nonprofit, independent media organization. Founded in March 2008, it is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Don't Miss

US Appeals Court Partly Halts Ruling Over Abortion Pill | News

On Wednesday, the New Orleans-based 5th U.S. Circuit Court of Appeals

Greek PM Mitsotakis Outlines New Government's Priorities

Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis outlined the priorities of the