Mandatory ROTC, ipinaparatsada sa Senado – Pinoy Weekly


Gusto umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing prayoridad ng Senado ang pagpasa sa panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), ani Senate Majority Leader Francis Tolentino sa interbyu ng DZBB Super Radyo.

Dagdag pa niya, magiging daan umano ito para magkaroon ang kabataan ng “masidhing pag-ibig sa bayan.”

Nakabinbin pa sa ikalawang pagdinig ang Senate Bill 2034 na naglalayong ipasali sa ROTC ang lahat ng mag-aaral sa mga kolehiyo, unibersidad at vocational institution upang maging mga laang kawal ng estado. Samantala, natapos na ng Kongreso ang kanilang bersiyon ng mandatory ROTC.

Ayon naman sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), kailangan mamayani ang isang tunay na makabayang edukasyon na hahasa sa kabataan sa kritikal na pag-iisip. Anila, ito ang makakatulong sa pagdepensa ng soberanya ng bansa at hindi militarisasyon.

“Hindi pa namin nakakalimutan ang nangyari kina Mark Welson Chua at iba pang biktima ng karahasan sa ROTC,” sabi ni ACT chairperson Vladimer Quetua.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!