Manggagawa ng Sofitel, iginiit ang katiyakan sa trabaho – Pinoy Weekly

July 1, 2024


Ilang araw bago tuluyang itigil ang operasyon ng Sofitel, patuloy ang panawagan ng mga manggagawa sa Philippine Plaza Holdings, Inc. na panatilihin ang kanilang mga trabaho, kilalanin ang kanilang unyon at kilalanin ang kanilang collective bargaining agreement (CBA).

Ayon sa pahayag ni Philippine Plaza Chapter (PPC) president Nestor Cabada, sa kabila ng pagsisikap ng unyon na makabuo ng kasunduan noong Hun. 25, nanatiling matigas ang management sa pagtanggi nitong magbigay ng siguradong trabaho sa mga manggagawa sa muling pagbabalik operasyon ng establisyamento.

Dagdag pa niya, ito’y isang hakbang na maaari lang ilarawan bilang tahasang pagbuwag sa unyon. 

Gayunpaman, naniniwala ang mga manggagawa na hindi titigil sa operasyon ang hotel at sasailalim lang sa rehabilitasyon. 

Giit pa nila, hindi sila titigil at ipaparinig nila ang kanilang mga boses at panawagan hanggang sa mga lansangan.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

US Senate Advances Short-Term Spending Bill Ahead of Shutdown | News

On Tuesday, the U.S. Senate passed a short-term spending bill

Military Situation In Bakhmut On April 1, 2023 (Map Update)

Click to see the full-size image Russian forces took control