Di ko maalala kung maaraw o maulap
sa panahon ng paglalakad.
Naaalala ko lang na umuusok ang lansangan
at nagbabaga ang poot
ng mga kapatid kong dinusta't binusabos,
tinugis, tinudla, tinadtad ng tingga
hanggang mangabuwal sila
sa Mendiola.
Ngayong araw ang ika-38 na anibersaryo ng Mendiola Massacre na kumitil sa 12 magbubukid na nananawagan ng reporma sa lupa.
