MGA LARAWAN: Kilos-protesta ng PISTON at MANIBELA sa Welcome Rotanda, hudyat ng pagsisimula ng tatlong araw na tigil pasada –


Sa simula ng tatlong araw na pambansang tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA, nagkilos-protesta ang libo-libong tsuper at operyetor sa kahabaan ng Welcome Rotonda, Quezon City bilang pagkundena sa pagbabawalang bahala ni president Marcos Jr. sa Senate Resolution 1096 na naglalayong pansamantalang suspindihin ang implementasyon ng Public Transportation Modernization Program (PTMP).

Kinwestiyon din ng mga grupo ang sinasabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na konsolidado na ang 80% ng mga PUVs. Ani mga ito marami sa mga tsuper at opereytor ang napilitan lamang na magpa-consolidate bunsod ng takot at panganib ng pagkawala ng kanilang kabuhayan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!