Mga magsasaka umalma sa mungkahi ng DOF na zero tariff sa imported rice – updates from the peasant movement of the Philippines

Tinawag na mas masahol ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) na zero-tariff sa imported na bigas para umano arestuhin ang pagsirit ng presyo ng bigas sa lokal na pamilihan.

Gusto ng DOF na mula sa 35% tariff ay ibaba sa pa sa 10% hanggang zero o wala ang tariff rates o taripa ng mga imported ng bigas mula sa ASEAN at most-favored nations. “Hindi solusyon kundi panibagong problema ang ireresulta ng suhestyon ng DOF na zero-tariff sa imported rice. Mga rice smugglers lang ang tiyak na makikinabang kapag ginawa ito dahil mas madali nang ipasok ang smuggled na bigas kung tuluyan nang aalisin ang taripa. Parang binigyan pa ng permiso ng gobyerno ang malawakang smuggling,” ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos.

Binatikos ng KMP ang DOF na importasyon pa rin ang ibinibigay na solusyon sa krisis sa suplay at presyo ng bigas. “Paulit-ulit na kami sa pagsasabi na dapat palakasin ang lokal na produksyon sa halip na importasyon ang tama at pangmatagalang solusyon sa krisis sa bigas,” giit ni Ramos. “Problema ng mga neoliberal na ekonomista kung mag-away-away sila dahil sa law of supply and demand at price ceiling. Hindi pa rin importasyon ang solusyon at lalong hindi ang pag-alis ng taripa.”

“Kapag tuluyan nang inalis ang taripa, babaha ang imported na bigas at lalong mababaon sa kumunoy ng kahirapan ang ating mga magsasaka ng palay. Pribadong sektor at ang kartel pa rin ang makikinabang sa zero tariff sa imported na bigas.”

Sinabi ng KMP na kung gusto talagang bigyan solusyon ng DA at ni Pangulong Marcos Jr ang krisis sa bigas, maari syang maglabas ng EO para isuspinde ang RA 11023 o Rice Tariffication Law para maibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na i-regulate ang industry ng bigas at mamili ng mas maraming bolyum ng palay mula sa mga magsasaka na may support price mula sa gobyerno. Kapag ginawa ito, maibabalik ang NFA rice na mas murang bigas sa mga palengke.

“Ilang araw pa lang ang price ceiling pero wala nang makitang regular milled at well-milled rice sa mga palengke at rice retailers. Puro premium rice ang ibinebenta sa P49 kada kilo pataas. Nakita na hindi maibenta ng small retailers sa mas mababa o paluging presyo ang ang bigas na ibinenta rin sa kanila ng mahal ng mga traders.”

“Nasa USD640 kada metriko tonelada ang presyo ng Vietnam rice ngayon at kung mag-aangkat via G2G (government-to-government) ang gobyerno ng 500,000 metriko tonelada, aabot ito sa US$320 milyon o Php17.6 bilyon (sa US$1 = Php55 exchange rate).

“Halos doble ito ng pondo ng NFA. Kung ilaan na lang ito para sa pagpapalakas ng lokal na produksyon, mas makabuluhan para sa mga magsasaka at konsyumer,” pagtatapos ni Ramos. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Israeli Bombings Kill 29 UNRWA Workers So Far

On Sunday, the United Nations Relief and Works Agency for

Military Situation In Bakhmut On May 13, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian forces captured Olympic School