MTRCB, binawi ang X rating sa ‘Alipato at Muog’ – Pinoy Weekly


Binago sa R-16 ng Movie and Television Review and Classification (MTRCB) ang naunang X rating nito sa dokumentaryong “Alipato at Muog” ng premyadong direktor na si JL Burgos nitong Set. 5.

Pinatawan ng MTRCB ng X rating noong Ago. 22 ang nasabing pelikula dahil nag-uudyok umano ito sa manonood na maliitin o mawalan ng tiwala sa gobyerno at mga awtoridad.

Naghain ng apela si Burgos at executive producer ng pelikula na si Mona Nieva sa naunang ibinigay na rating sa dokumentaryo sa tanggapan ng MTRCB sa Quezon City noong Ago. 27.

Sa pagkakaroon ng R-16 rating, maaari nang mapanood ng mga edad 16 pataas sa mas maraming sinehan ang dokumentaryong tungkol sa paghahanap sa dinukot at nawawalang aktibistang si Jonas Burgos, kapatid ng direktor.

Nagpasalamat ang direktor sa lahat ng mga sumusuporta sa pelikula at sa ipinaglalaban nito.

“Hindi pa po tapos ang laban. Mahaba-haba pa ang dapat natin hakbangin. Madami pa [ring] dinudukot. Wala pa din si Jonas. Pero ito tiyak ko, ‘di na lang kami ang maghahanap sa kuya ko,” ani Burgos.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!