Nawawalang benepisyo ng Sagay health workers, kinondena – Pinoy Weekly


Mariing kinondena ng sektor ng kalusugan ang pagkawala ng P7.3 milyong health emergency allowance (HEA) na para sana sa mga manggagawang pangkalusugan sa Sagay City, Negros Occidental.

Noong Agosto pa na-withdraw mula sa bangko ang pera upang maipamahagi sa mga nagserbisyo sa mga pagamutan noong kasagsagan ng pandemyang Covid-19, ngunit nabalam ang pamamahagi dahil nakalimutan umano ni Sagay City treasurer Juvy Pinonga ang number combination ng vault na pinaglagyan ng salapi.

Nang mabuksan ito noong Okt. 5, wala nang laman ang vault na pinaglagakan ng HEA na para sana sa 93 health worker sa lungsod.

Ani Alliance for Health Workers secretary general Cristy Donguines, dapat agarang maglaan ng pondo para maipamahagi agad sa mga health worker habang patuloy na imbestigahan ang nawalang pera. 

Nagpahayag rin ng pakikiisa si Jocelyn Andamo ng Filipino Nurses United at iginiit ang agarang aksiyon dahil “nararapat lamang na tumbasan ang trabaho at sakripisyo ng mga manggagawang pangkalusugan.”



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!