On the NFA council’s increase of palay buying price – updates from the peasant movement of the Philippines

“It’s too good to be true. This is just for the National Food Authority’s (NFA) buying price for palay but what about the buying price of private rice traders and millers? Paano titiyakin ng gobyerno na susunod sa P23 kada kilo ng palay ang mga traders na siyang nagbabarat sa presyo ng palay sa farmgate pa lang?”

“What good is this announcement if the National Food Authority’s mandate and function to procure a significant volume of palay from local rice farmers is still limited due to the Rice Liberalization Law.”

Bago pa isinabatas ang Rice Liberalization Law, panawagan na ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Bantay Bigas na itaas ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo at lampas pa. Nang isinabatas ang RA 11203 o Rice Liberalization, grabe nitong winasak ang industriya ng bigas at pinabagsak ang presyo ng palay, umabot pa noon sa Php7 kilo.

Dapat kasabay ng anunsyong ito ang deklarasyon ng NFA na itataas nito ang volume ng binibiling palay mula sa mga magsasaka at hindi lang para sa buffer stocking kundi para ibalik ang murang bigas ng NFA sa mga palengke.

“Kahit itinaas ng NFA ang presyo ng pagbili nito ng palay — P19 hanggang P23 kada kilo sa clean and dry at P16 hanggang P19 sa wet palay, kung hindi naman malaki ang volume at hindi nito mabibili ang 30% ng local palay production, hindi rin signipikante.

Gayundin, kung kulang ang pondo ng NFA, hindi rin ito makakabili ng palay ng mga magsasaka. Ang P9 bilyon na badyet ng NFA ay sapat lang sa 7-days na rice buffer stock ng bansa.

Kung gusto at seryoso talaga ang administrasyon na remedyuhan ang sitwasyon, ibalik nito ang regulatory and trading functions ng NFA para makabili ng malaking volume ng palay mula sa mga magsasaka at makapagbenta muli ng murang bigas sa mga konsyumer. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Rights group denounces pattern of killings, other forms rights abuses

Photo by Carlo Manalansan/Bulatlat By ANNE MARXZE D. UMILBulatlat.com MANILA

Ang Bayan Ngayon » Black Hearts Day sa Araw ng mga Puso, inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan

Naglunsad ng tinagurang “Black Hearts Day” ang mga manggagagawang pangkalusugan