Organisador ng magbubukid sa Timog Katagalugan, dinukot ng militar – Pinoy Weekly


Dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang organisador ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), dating miyembro ng Anakbayan at dating boluntir ng Pinoy Weekly na si Fhobie Matias nitong Set. 28 sa Calamba City, Laguna.

Kasama si Matias sa pagsasagawa ng mga konsultasyon sa mga komunidad ng magbubukid sa lalawigan nang damputing siya ng mga sundalo. Nakapagpadala pa siya ng mensahe para humingi ng tulong.

Kinumpirma ng kanyang pamilya na dinala siya sa isang kampo ng militar. Hindi pa rin matunton hanggang ngayon ang kanyang tiyak na lokasyon.

Kinondena naman ng Kasama-TK at Anakbayan ang walang habas pagdukot sa kabataang aktibista. Si Matias ang ika-14 na biktima ng pagdukot at sapilitang pagkawala sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr.

“Kailangang mapanagot ang AFP at ang rehimeng US-Marcos Jr. sa kanilang sunod-sunod at walang ampat na atake sa hanay ng mga magsasaka at organisador nito,” pahayag ng Kasama-TK.

Sa ilalim ng Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012, obligado ang pulisya, militar at iba pang ahensiya ng pamahalaan na agarang iulat ang kinaroroonan ng taong dinukot ng mga ahente ng estado.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!