Paano makakaiwas sa kumakalat na pertussis? – Pinoy Weekly

April 7, 2024


Ang whooping cough o pertussis, ay isang impeksyon sa sistemang respiratoryo na nagdudulot ng matinding ubo. Madali itong kumalat mula sa isang tao patungo sa iba pa. Ito’y karaniwang banta sa mga sanggol at bata na may malubhang mga sintomas at maaaring humantong kamatayan kung hindi nagagamot.

Sa unang 10 linggo ng 2024, nakapagtala ang Department of Health ng mahigit 500 kaso ng sakit, kabilang ang 40 na namatay, at nagdeklara ng outbreak sa Quezon City, Pasig City, Iloilo City, at lalawigan ng Cavite.

Sa kabila ng patuloy na pagkalat at pagdami ng kaso ng sakit, paano nga ba maiiwasan ang pertussis?

Ilan sa mga maaaring gawing pamamaraan ang sumusunod:

Ang mga nasa hustong gulang sa pagitan ng edad 19 at 64, dapat makatanggap ng isang beses na booster na bakunang tinatawag na Tdap vaccine. Ang mga 64 taong gulang pataas, dapat ding makatanggap ng booster vaccine kung may malapit na kontak sa mga sanggol na wala pang 12 buwang gulang. 

Para sa mga buntis, dapat silang makatanggap ng Tdap injection sa ikatlong trimester (sa pagitan ng ika-27 at ika-36 na linggo) ng kanilang pagbubuntis. Dapat silang magkaroon ng Tdap injection sa bawat pagbubuntis.

Ngayong Abril na at panahon na ng matinding tag-init, ang banta ng pagkakaroon ng pertussis ay hindi pa rin nawawala. Kaya ang pagsasagawa ng mga nabanggit na pamamaraan upang maiwasan ang sakit ay dapat isaalang-alang. 

Sa ganitong paraan, maaari nating mapanatili ang mabuting kalusugan kahit na paiba-iba ang panahon.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Paigtingin ang digmang bayan para labanan ang imperyalistang agresyon sa Asia Pacific

Nananawagan ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa lahat ng

Military Situation In Ukraine On April 15, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image The Russian Army destroyed an